^

PM Sports

Tapales handa nang ipagtanggol ang kanyang WBO title

Pang-masa

Tubod, Lanao del Norte, Philippines – Handa na ang hometown hero at kasalukuyang WBO Asia Pacific Super Flyweight champion na si Marlon “The Bulldozer” Tapales laban sa mas bigating Tanzanian fighter na si Fadhili Majiha sa June 28 sa world-class Mindanao Civic Center (MCC).

Ang unang title defense ni Tapales na nasa ilalim na ngayon ni Wakee Salud ay gagawin niya sa harap ng kanyang kababayan na magiging basehan kung gaano na kataas ang kanyang kalidad bilang  super flyweight boxer sa buong mundo.

Si Majiha ay may record na 15 wins, 3 losses, 4 draws at 7 knock-outs record habang si  Tapales ay umangat na sa 18 wins, 1 defeat na may kasamang 6 knock-outs nang kanyang idemolisa ang kalabang Thailander na si Yodpichai Sithsaithong sa apat na 4 rounds lamang sa kanyang huling laban.

Tampok naman sa supporting bouts sina Reymond Dayham ng Malaybalay City kontra kay Jerson Luzarito ng Butuan City; Belmar Plaza ng Lala, Lanao del Norte laban kay Jaysever Abcede ng Valencia City; Ritchie Mipranum ng Sarangani Province laban kay Rogen Flores ng Katipunan, Zamboanga del Norte. Ang paboksing na ito ay  bahagi ng selebrasyon ng ika-55th Araw ng Lanao del Norte.

vuukle comment

ASIA PACIFIC SUPER FLYWEIGHT

BELMAR PLAZA

BUTUAN CITY

FADHILI MAJIHA

JAYSEVER ABCEDE

JERSON LUZARITO

LANAO

MALAYBALAY CITY

NORTE

TAPALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with