Tinapos na ng NLEX
MANILA, Philippines - Ginising ni Ronald Pascual ang tila lumam-yang opensa ng NLEX Road Warriors sa huling yugto para tuluyang patalsikin sa trono ang Blackwater Sports Elite, 81-78, sa Game Two ng PBA D-League Foundation Cup finals kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nalimitahan lamang sa limang puntos sa unang tatlong yugto, ang gunner na si Pascual ay naghatid ng walong puntos sa 11-5 palitan sa pagbubukas ng hu-ling yugto para mahawakan uli ng Road Warriors ang momentum ng labanan sa 73-67 kalamangan.
Nakakuha rin ng impresibong numero ang Road Warriors kay Pamboy Raymundo sa ibinigay na 13 puntos at pito rito ay ginawa sa ikatlong yugto para magkatabla ang koponan at Elite sa 62-all papasok sa huling yugto.
“Matamis ito dahil tinalo namin ang team na tumalo sa amin last year,†wika ni NLEX coach Boyet Fernandez.
Si Jake Pascual ay mayroong 15 puntos, may double-double na 14 puntos at 14 rebounds si Ola Adeogun at si Garvo Lanete ay naghatid ng 12 para sa Road Warriors na nakumpleto rin ang 13-0 ‘perfect season’ kampanya na magandang pabaon sakaling ituloy ang pag-akyat sa PBA.
Ang NLEX at Blackwater Sports bukod sa Kia Motors ay tinanggap ng PBA bilang mga expansion teams para sa pagbubukas ng 40th season sa Setyembre.
Kumana ng triple si Narciso Llagas para ilapit ang Elite sa 80-78 bago nilapatan niya ng foul si Kevin Alas na isinablay ang dalawang attempts.
Pero mintis ang pinakawalang tres ni Cervantes bago tinapos ni Alas, ang kinilalang MVP ng liga, ang iskoring ng laba-nan sa pamamagitan ng split sa free throw line.
- Latest