^

PM Sports

Azkals pasok sa AFC Finals

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naipasok ni Chris Greatwich ang kanyang atake malapit sa goal sa extra time para ibigay sa Pilipinas ang 3-2 panalo sa host Maldives sa semifinals ng AFC Challenge Cup noong Miyerkules ng madaling araw sa National Football Stadium sa Maldives.

Dalawang beses hi-nawakan ng Pilipinas ang kalamangan pero hindi agad bumigay ang host country dahil sa udyok ng mga kapanalig.

Ngunit hindi nagpadaig si Greatwich sa pressure na nakuha ang bola na tumalbog nang tumama sa goal post sa attempt ng kakam-ping si Patrick Reichelt para sa winning play.

Makasaysayan ang panalo para sa Azkals dahil naihatid nila ang Pilipinas sa Finals sa kauna-unahang pagkakataon sa paglalaro sa AFC Challenge Cup.

Ang one-game finals ay itinakda sa Sabado ng hatinggabi at makakalaban ng pambansang koponan ang Palestine na sinibak ang Afghanistan, 2-0, sa isang hati ng Final Four.

Ang mananalo sa championship ay aabante sa Asian Cup sa susunod na taon.

“We want to play at the next level, which is the Asian Cup,” wika ni German-American coach Thomas Dooley na kinuha noong Pebrero kahalili ni Hans Michael Weiss na naihatid ang Azkals sa ikatlong puwesto noong 2002 edisyon.

“When you play and believe in it, you will be successful so that’s why we are going step by step. Right now, the biggest thing we can do is to write a new history in the next game, so we want to prepare the team to write history,” dagdag nito.

Bukod kay Greatwich, tumayo ring bida sa panalo sina Philip Younghusband at Jerry Lucena na siyang nagbigay ng 1-0 at 2-1 kalamangan para sa Azkals.

Malaking papel din ang ginawa ni goal keeper Roland Muller na siyang pumigil sa mga krusyal na opensa ng home team matapos itabla ni Assadhula Abdulla ang laban, 2-2, sa 66th minute.

Malaki ang tsansa ng Azkals na makuha ang kauna-unahang titulo dahil ang Palestine ang siya nilang tinalo para sa ikatlong puwesto noong 2012 sa 4-3 iskor. (AT)

vuukle comment

ASIAN CUP

ASSADHULA ABDULLA

AZKALS

CHALLENGE CUP

CHRIS GREATWICH

FINAL FOUR

GREATWICH

HANS MICHAEL WEISS

JERRY LUCENA

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with