^

PM Sports

Centeno sa national pool?

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkaibang kapalaran ang  naghihintay sa dalawang Zamboanga City athletes na naglaro sa Philippine National Games.

Ang 14-anyos na si Cheska Centeno na tinalo ang world champion sa 10-ball na si Rubilen Amit sa kanyang paboritong laro, 9-8, ay posibleng masama sa national pool na susuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC), ang nag-organisa ng PNG.

Kasama ng kanyang mga magulang, kinausap nila si PSC chairman Ricardo Garcia upang ipaalam ang pagnanais na masama sa pool kung  mabibigyan ng pagkakataon.

“I told her that I will talk to the leaders of BSCP if she can be accomodated. Wala naman akong nakikitang dahilan kung bakit hindi siya kukunin  sa pool dahil naipakita naman niya na magaling siya,” wika ni Garcia.

Sumali rin si Centeno sa 9-ball at nakakuha siya ng bronze medal.

Kung si Centeno ay papasok sa pool, alanganin naman si weightlifter Hidilyn Diaz na tubong Zam-boanga rin at isang two-time Olympian na sumama pa sa Incheon Asian Games sa Setyembre.

Nanalo si Diaz ng ginto sa women’s 58kgs sa  PNG sa naitalang 95kg sa snatch at 120kg sa clean and jerk tungo sa kabuuang 215kg total lift pero mababa ito sa naitala niya sa 2013 SEA Games na 102kg at 122kg tungo sa 224kg para sa pilak na medalya.

“Kakausapin ko siya at titignan natin kung ano ang kanyang problema kasi sayang ‘yung bata,” pahayag ni Garcia sa 23-anyos na si Diaz na naunang inireklamo ang paninira umano sa kanya na siyang dahilan para tabangan na siya sa pagla-laro.

 

CENTENO

CHESKA CENTENO

DIAZ

GARCIA

HIDILYN DIAZ

INCHEON ASIAN GAMES

PHILIPPINE NATIONAL GAMES

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RICARDO GARCIA

RUBILEN AMIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with