2-sunod sa Air Asia Petron Blaze Spikers nalo rin
TEAM W L
Air Asia 2 0
Petron 1 0
PLDT 0 1
Cagayan Valley 0 1
Cignal 0 1
Generika-Army x x
RC Cola x x
Laro sa LINGG0
(Cuneta Astrodome)
3 p.m. – Cagayan Valley
vs PLDT (women’s)
5 p.m – Generika-Army
vs RC Cola (women’s)
7 p.m. – Cignal
vs Via Mare (men’s)
MANILA, Philippines - Nakitaan ng mainit na paglalaro ang top pick na si Dindin Santiago habang nagpatuloy ang matayog na paglipad ng AirAsia sa idinaos na 2014 PLDT Home DSL-Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tournament kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Ang 6’2†na si Santiago na kinuha ng Petron Blaze Spikers ay nagpakilala sa semi-professional league na inorganisa ng Score at handog ng PLDT Home DSL nang kumana ito ng 36 kills at isang block para sa 25-27, 25-23, 19-25, 26-24, 15-10, panalo sa PLDT Home TVolution.
Ang 37 puntos na ito ni Santiago ang tatayong pinakamataas na puntos na naitala sa liga para ibigay sa Petron ang unang panalo.
Si Japanese import Shinaka Tanaka na nag-laro rin sa Petron ang siyang dating may hawak sa record sa scoring na 36 puntos sa PSL Grand Prix.
“First game ko ito kaya dapat naka-focus ako at itong game lang ang dapat na isipin ko,†pahayag ni Santiago sa attitude sa laro.
Hindi naman nagpahuli ang number two pick sa kauna-unahang rookie draft ng liga na si Aby Maraño nang pamunuan niya ang 25-21, 25-21, 20-25, 23-25,15-11, panalo ng Air Asia Flying Spikers sa Cignal HD Spikers sa ikalawang laro.
May 18 puntos si Maraño, tampok ang running attack na nagbigay sa koponan sa 14-11 bentahe sa fifth set.
“Na-rattle kami sa third and fourth set kaya natalo pero naibalik namin ang laro namin. Its more of our willingness to win,†pahayag ni Marano na may 11 kills, limang aces at dalawang blocks sa laro.
Nakatulong ni Maraño si Cha Cruz na naghatid ng tatlong puntos matapos ang huling pagdikit ng Cignal sa 11-10.
Tinapos pa ni Cruz ang laban sa isang service ace para makita ng koponang pag-aari ni Mikee Romero na nasa tuktok sa standings sa pitong koponang women’s division na suportado ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Health Medical. (AT)
- Latest