^

PM Sports

Durant, Westbrook ‘di susuko

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kahit nabaon sila ng 15 points sa first half, hindi sumuko ang dynamic duo ng  Oklahoma City.

Ginamit nila ang kanilang athleticism at mahusay na shooting upang ibalik sa laro ang Thunder. At nang lumusot sa net ang  19-foot jumper ni Westbrook patungo sa huling limang minuto ng labanan, humataw ang Thunder.

Nakita sa pinakaaaba-ngang match-up na ito na ang labanan ay nagiging two-on-five.

Sina Tim Duncan, Manu Ginobili at iba pang experienced Spurs players ay nanahimik sa third quarter habang pina-ngunahan nina Durant at Westbrook ang isang rally.

Ngunit walang TKOs sa basketball.

Kapag tumatagal ang mga laro, pagdating sa fourth quarter ay wala nang natitira sa Thunder. Kung walang makukuhang tulong sina Durant at Westbrook, matatapos agad ang series.

“We turned the ball over a little too much but we’ve got to continue to trust whether the guys are hitting shots or not,’’ sabi ni Durant. “We’ve got to keep playing within our offense and playing with the pass. We’ll be fine. We do a good job of attacking, not just for ourselves, but for our teammates. We’ve just got to continue to trust.’’

Sina Durant at Westbrook ay nagtulong sa 19 points sa unang 7-minutes ng third quarter noong Lunes para manatiling buhay ang laban ng Thunder.

Ngunit umiskor lang sila ng kabuuang 9-puntos sa final 17 minutes ng laro habang ang malalim at balanseng Spurs ay patuloy na nahihirapan sa depensa na nabutasan sa pagkawala ni shot-blocker Serge Ibaka.

GINAMIT

KAHIT

MANU GINOBILI

NGUNIT

OKLAHOMA CITY

SINA DURANT

SINA TIM DUNCAN

WESTBROOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with