^

PM Sports

Air Asia Spikers gustong maka-2

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ikalawang sunod na panalo ang target ngayon ng Air Asia Flying Spi-kers sa pagbangga sa  matikas na Cignal HD Spikers sa 2014 PLDT Home DSL-Philippine SuperLiga sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Ang  laro ay magsisimula matapos ang paghaharap ng PLDT My DSL Lady Speed Boosters at Petron Lady Blaze Spikers sa ganap na ika-2 ng hapon.

Kasasabikan sa unang labanan ang paglalaro ng dating kamador ng National University na si 6’2” Dindin Santiago.

Si Santiago ang kinuha bilang number one pick sa kauna-unahang rookie draft pick sa ligang inorganisa ng Score at handog ng PLDT Home DSL kaya’t mataas ang ekspektasyon sa Petron.

Ang Flying Spikers ay galing sa 25-14, 25-19, 27-25, panalo sa Cagayan Valley Lady Rising Suns sa pagbubukas ng liga noong Biyernes para pa-ngunahan ang women’s division sa ligang may suporta pa ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.

Ang tibay ng koponang pag-aari ni sports patron  Mikee Romero at hawak ni coach Ramil de Jesus ay masusukat sa HD Spikers na siyang nalagay sa  pangalawang puwesto sa unang dalawang conferences ng PSL.

Sasandal si Cignal coach Sammy Acaylar.  sa mga subok ng manla-laro sa pangunguna nina Michelle Datuin, Honey Royse Tubino at liberong Jeck Dionela para tapatan ang agresibong paglalaro ng Flying Spikers. (AT)

vuukle comment

AIR ASIA FLYING SPI

ANG FLYING SPIKERS

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

CIGNAL

CUNETA ASTRODOME

DINDIN SANTIAGO

FLYING SPIKERS

HEALTHWAY MEDICAL

HONEY ROYSE TUBINO

JECK DIONELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with