Jade Bros. Farm nangunguna sa mga horse owners
MANILA, Philippines - Matikas pa rin ang mga kabayo mula sa kuwadra ng Jade Bros. Farm para patuloy na lumayo sa hanay ng mga horse owners matapos ang buwan ng Abril.
Halos P700,000.00 ang ipinasok ng mga kabayong inilaban ng Jade Bros. Farm para manati-ling nasa unahan bitbit ang P4,686,509.81 kinita sa unang apat na buwan sa taong 2014.
Anim sa inilaban ang nanalo para maiangat ang karta sa 35 panalo. May kabuuang 24 ang nasegundo habang may 15 ang tumapos sa tersero puwesto at 28 ang nalagay sa kuwarto puwesto.
Humataw din ang mga kabayo ni Patrick Uy na isa sa pinakamainit na horse owner noong nakaraang buwan.
Umabot sa siyam na kabayo ang nanalo at ku-mabit si Uy ng mahigit na isang milyon upang magkaroon na ng P3,901,185.70 premyo.
Sa kabuuan ay may 32 panalo, 11 segundo, 19 tersero at 22 kuwarto puwesto ang mga panlaban ni Uy para mabawi ang pangalawang puwesto kay Aristeo Puyat.
Si Puyat ay mayroon nang P3,648,016.43 pero apat lamang ang naipanalo ng mga ipinanlaban.
May 23 panalo 19 segundo, 32 tersero at 24 kuwarto puwesto ang karta ng mga kabayo ni Puyat na kailangang manumbalik ang sigla dahil nakadikit sa kanya si Eduardo Gonzales.
May 26-16-18-15 karta, si Gonzales ay kumubra na ng P3,602,870.61 premyo.
Si Narciso Morales ang isa pang horse owner na may mahigit na tatlong milyong premyo sa P3,413,289.54 mula sa 22-22-27-22 karta para sa ikalimang puwesto.
Galing si Morales mula sa pampitong puwesto at kumabig ito ng halos P1.2 milyon sa buwan ng Abril na kinatampukan ng walong panalo. Ang dating nasa ikalimang puwesto na si Sixto Esquivias IV ay bumaba sa ikapitong puwesto sa P2,837,308.78 (19-12-24-24).
Si RB Dimacuha ang nasa ikaanim na puwesto bitbit ang P2,876,872.09 (20-16-7-6) habang ang SC Stockfarm, Hideaway Farm Corp at Mandalu-yong City Mayor Benhur Abalos ang kumumpleto sa unang sampung puwesto.
Nakapagbulsa na ng P2,787,461.60 ang SC Stockfarm (19-15-16-8), ang Hideaway Farm Corp. ay mayroong P2,559,200.82 (18-6-11-2) at si Abalos ay may P2,558,861.90 (11-19-8-6) napanalunan na.
- Latest