Wolves handang i-trade si Love
MINNEAPOLIS -- Sa halos kabuuan ng nakaraang season ay iginiit nina Minnesota Timberwolves president of basketball operations Flip Saunders at owner Glen Taylor na hindi nila pakakawalan si Kevin Love.
Determinado silang kumbinsihin ang All-Star forward na pu-mirma ng contract extension.
Sa paglapit ng NBA draft lottery ay usap-usapang lilipat si Love ng koponan matapos ang 2015, ang naturang paninindigan nina Saunders at Taylor ay lumambot.
Ngayon ay bukas na ang Timberwolves para ipamigay si Love kung makakakita sila ng magandang trade.
Ang inaasahang magiging asking price ng koponan ay isang mataas na first-round pick sa darating na draft at isang solidong veteran na makakatulong sa kanilang kampanya.
Kung hindi makakakuha ang Wolves ng magandang alok para ipagpalit ang second-best player sa kanilang franchise history ay hindi na nila pakakawalan si Love.
Tinapos ni Love ang ikalawang taon sa kanyang four-year deal na may opsyon na opt-out sa 2015.
- Latest