Ika-2 gold kay Villarito
MANILA, Philippines - Kinuha ng 34-anyos na si Rosie Villarito ang ikalawang ginto habang nakapanggulat ang batang siklista na si Jigo Mendoza sa mga resulta sa 2014 Philippine National Games kahapon.
Si Villarito na unang nanalo sa javelin throw ay nanaig pa sa women’s shotput sa naitalang 11.30-metro sa athletics sa Philsports Oval sa Pasig City.
Kinapos ng pitong sentimetro si Riza Faith Sombilla ng UST sa 11.23-metro habang si Lei Ann Tan ng PAF-A ang kumuha ng bronze sa 11.11-metro.
Ang dating SEA Games gold medalist na si Ar-niel Ferrera ang siya pa ring pinakamahusay sa men’s hammer throw sa ginawang 57-34m habang ang mga Fil-Ams na sina Eric Cray at Princess Joy Griffey ang siyang nanalo sa century dash sa kinuhang 10.67 at 12.02 segundo tiyempo.
Ngunit hindi lahat ng mga inaasahan sa pambansang koponan ay kuminang at isa si Mendoza na nakasilat na nangyari sa MTB cross country sa cycling sa Tagaytay City.
Kinuha ni Mendoza ang pinaglabanang event sa 54 minuto at 54 segundo para itulak sa pangalawang puwesto ang beteranong si John Renee Mier na may 56:06 oras sa under-23 category.
Hindi naman nagpabaya si Nino Surban na pinagha-rian ang elite men sa 48:56. Si Ariana Dormitorio ang nakakuha ng ginto sa elite women sa 50:55 oras.
- Latest