^

PM Sports

Espesyal na titulo para kay Cone

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa makasaysayang Philsports Arena sa Pasig City unang nakamit ni head coach Tim Cone ang kanyang kauna-unahang PBA crown.

At noong Huwebes ng gabi ay sa nasabing venue niya nakolekta ang kanyang record na 17 kampeonato.

“This is really special. This is a special group of people and I’m real-ly speechless,” wika ng 56-anyos na si Cone matapos igiya ang San Mig Coffee sa titulo ng 2014 PBA Commissioner’s Cup.

Tinalo ng Mixers ang Talk ‘N Text Tropang Texters, nagposte ng matayog na 13-0 record mula sa elimination hanggang sa semifinal round, 100-91, sa Game Four para tapusin ang kanilang championship series sa 3-1.

Hinirang si two-time PBA Most Valuable Player James Yap bilang Finals MVP matapos maglista ng mga averages na 11.5 points, 4.25 rebounds at 1.7 assists sa title series.

Iniskor ni Yap ang lahat ng kanyang 10 points sa fourth quarter ng natu-rang laro para sa panalo ng San Mig Coffee.

Kumolekta naman si Mark Barroca ng 22 points, ang 20 dito ay kanyang ginawa sa second half, habang humakot si import James Mays ng 18 points, 15 rebounds at 5 steals.

Bago labanan ang Talk ‘N Text, inungusan ng San Mig Coffee ang Alaska, 2-1, sa best-of-three quarterfinals series at tinakasan ang Air21, 3-2, sa kanilang best-of-five semifinals showdown.

Ito ang pangatlong sunod na kampeonato ng Mixers matapos pagha-rian ang 2013 PBA Go-vernors’ Cup at ang 2014 Philippine Cup.

Ang kanyang ikala-wang ‘Grand Slam’ ang tatargetin ni Cone sa pagdedepensa ng San Mig Coffee sa kanilang Governors’ Cup title.

“That’s the last thing we’re gonna talk about as a team,” wika ni Cone. “We’re not gonna talk about it because there’s so much pressure in winning a Grand Slam.”

“But this cham-pionship obviously has given us an opportunity to achieve that. And that should give us a real lift coming into the next conference,” dagdag pa ng American mentor.

vuukle comment

GAME FOUR

GRAND SLAM

JAMES MAYS

MARK BARROCA

MOST VALUABLE PLAYER JAMES YAP

N TEXT

N TEXT TROPANG TEXTERS

PASIG CITY

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with