^

PM Sports

Saturday game sa NCAA

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magdadagdag ang NCAA ng Saturday game bukod pa sa kanilang Monday-Wednesday-Friday schedule para sa layuning mapaigsi ang  basketball tournament na magsisimula sa June 28 sa hindi pa natutukoy na venue.

Simula sa taong ito, sinabi ni Management Committee chair Paul Supan ng host Jose Rizal, ang pagkakaroon ng Saturday schedule ay magreresulta ng seven-game a week schedule sa seniors’ division mula sa six-game slate dati.

“This is the league’s answer to questions on how long our Season 90 will last,” sabi ni  Supan pagkatapos ng board meeting  nitong Miyerkules sa Jose Rizal campus sa Mandaluyong City.

Sinabi rin ni Supan na inagahan nila ang seniors sa 12 noon at 2 p.m. mula sa 4 at 6 p.m. habang ang juniors’ games ay lalaruin sa alas-10 a.m at 4 p.m. mula sa dating 12 noon at 2 p.m.

Ipapalabas naman ng official coveror na TV5 ang lahat ng second games ng Monday-Wednesday-Friday schedule at Saturday game sa TV5 at sa kanilang afficiliate free sports channel na AksyonTV.

Matatandaang umabot ang Season 89 sa second semester sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng liga dahil sa ilang beses na postponements ng mga laro dahil sa bagyo at pagbibigay daan sa  11-araw na FIBA-Asia Championship noong August.

Opening game ang host Jose Rizal laban sa defending champion San Beda kasunod ang laban ng runner-up noong nakaraang taon na Letran at San Sebastian.

 

ASIA CHAMPIONSHIP

IPAPALABAS

JOSE RIZAL

MANAGEMENT COMMITTEE

MANDALUYONG CITY

MONDAY-WEDNESDAY-FRIDAY

PAUL SUPAN

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

SUPAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with