^

PM Sports

Heat, Spurs umusad sa conference finals

Pang-masa

MIAMI – Ang laro, ang series, ang season ay nakasalalay sa isang tira. Kung naitira ito.

Pinagtulungang depensahan nina LeBron James at Ray Allen si Brooklyn sharpshooter Joe Johnson na naagawan ng bola sa huling maiinit na segundo ng labanan para makarating ang Mia-mi Heat sa Eastern Conference Finals sa ikaapat na sunod na pagkakataon nang kanilang igupo ang 96-94 nitong Miyerkules ng gabi.

Lumamang ang Mia-mi sa huling 32 segundo lamang ng laro.

“It’s always been like that for us,” sabi ni James. “It’s never easy. It’s never easy for us.”

Ito ang ika-10-sunod na series win para sa two-time defending NBA champions.

Umiskor si James ng 29 points, nagdagdag si Dwyane Wade ng 28 at umiskor si Allen ng 3-pointer na nagbigay sa Miami ng kanilang una at tanging kalamangan matapos huling umabante sa second quarter.

Hihintayin na lamang ng Miami ang mananalo sa second round series ng Washington at Indiana upang kalabanin para sa titulo ng Eastern Confe-rence final.

Lamang ang  Pacers  sa serye sa 3-2.

Sa San Antonio, ipinakita ng beteranong San Antonio Spurs sa Portland kung papaano manalo sa playoffs. Ang pinakamalaking aral ay huwag mag-panic kapag sumama ang laro ng isang All-Star player.

Umiskor sina Danny Green at Kawhi Leonard ng tig-22 points at naka-survive ang San Antonio kahit wala ang may injury na si Tony Parker para tapusin ang Western Conference semifinals sa pamamagitan ng 104-82 panalo.

Umiskor si Patty Mills ng 18 points at si Tim Duncan ay may 16 points at eight rebounds para sa San Antonio na may apat na blowout victories sa five-game series.

Ito ang ikatlong sunod na conference finals appearance ng San Antonio na nabigo sa seven-game series kontra sa Miami Heat sa NBA Finals noong nakaraang season.

Hihintayin na lamang ng San Antonio ang mananalo sa series ng Oklahoma City at Los Angeles Clippers upang kalabanin para sa titulo ng Western Conference.

Lamang ang  Thunder sa serye sa 3-2.

vuukle comment

DANNY GREEN

DWYANE WADE

EASTERN CONFE

EASTERN CONFERENCE FINALS

HIHINTAYIN

SAN ANTONIO

UMISKOR

WESTERN CONFERENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with