^

PM Sports

FEU, Adamson agawan sa huling finals slot

Pang-masa

Laro ngayon

SEMIFINALS

(The Arena, San Juan City)

4 p.m. – Adamson vs FEU

 

MANILA, Philippines - Magtutuos sa huling pagkakataon ang FEU Lady Tamaraws at Adamson Lady Falcons upang malaman kung sino ang kukuha sa huling upuan sa championship round sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na ika-4 ng hapon itinakda ang labanan at ang mananalo ang makakasukatan ng nagdedepensang kampeon National University sa Finals na inilagay sa best-of-three series at magsisimula sa Linggo.

Umabante na ang Lady Bulldogs matapos ang 2-0 sweep sa UST Tigresses sa kanilang semifinals match-up sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Nasa Lady Tamaraws ang momentum dahil naitabla nila ang best-of-three series (1-1) nang kunin ang  25-22, 25-23, 26-24 panalo.

Ang mga mahuhusay na spikers na sina guest players Rachelle Ann Daquis at Jovelyn Gonzaga bukod pa kina Bernadette Pons at Mary Joy Palma ang siyang sasandalan pero dapat ding makita ang magandang depensa na inilatag sa huling tagisan.

Sina Pons at Gonzaga ay nagsanib sa limang blocks para bigyan ang FEU ng 10-5 bentahe sa nasabing departamento.

“Ang depensa namin ang susi sa pagkapanalo namin at kailangang gawin uli namin ito kung gusto naming manalo sa Game Three,” wika ni FEU coach Cesael Delos Santos.

Sa kabilang banda, sina Shiela Pineda, Pau Soriano at Patcharee Sangmuang ang mga huhugutan ng lakas ng Adamson para makapasok sa Finals sa ligang may ayuda rin ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil. (AT)

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON LADY FALCONS

BERNADETTE PONS

CESAEL DELOS SANTOS

FIRST CONFERENCE

GAME THREE

JOVELYN GONZAGA

LADY BULLDOGS

LADY TAMARAWS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with