^

PM Sports

Kontrolado na ng Miami

Pang-masa

NEW YORK -- Ginawa ni LeBron James ang kanyang trabaho para ibigay sa Miami Heat ang kontrol sa Eastern Confe-rence semifinals series.

At ang isang free throw ay hindi mahalaga maliban kay James.

Hindi nakamit ni James ang una niyang 50-point playoff game matapos imintis ang kanyang ikalawang free throw.

“That’s the first time I’ve been disappointed in myself in a win,’’ sabi ni James.

Matapos ito ay ngumiti at naisip na nagawa na niya ang kanyang makakaya.

Pinantayan ni James ang kanyang playoff career high sa itinalang 49 points, habang nagsalpak si Chris Bosh ng tiebreaking 3-pointer sa huling 57 segundo para ibigay sa Heat ang 102-96 panalo laban sa Brooklyn Nets at kunin ang 3-1 bentahe sa kanilang serye.

Dinala ni James sa kanyang mga balikat ang Heat sa halos kabuuan ng laro hanggang ikonekta ni Bosh ang kanyang tres na sumel-yo sa tagumpay ng Miami.

Nakatakda ang Game 5 sa Miyerkules.

Naglista si James ng 16-of-24 fieldgoal shooting at tumipa ng 14-of-19 sa the free throw line sa pagduplika niya ng 49 points na kanyang iniskor para sa Cleveland laban sa Orlando noong 2009 Eastern Conference finals.

Naimintis niya ang kanyang ikalawang free throw sa natitirang 1.1 segundo.

Naglista naman si Joe Johnson ng 18 points para sa Nets, habang may 16 si Paul Pierce.

Sa Portland, Oregon, iniwasan ng Trail Blazers na mawalis sila sa serye ng San Antonio Spurs nang kunin ang 103-92 tagum-pay at ilapit ang kanilang Western Conference semifinal duel sa 1-3.

Humakot si Nicolas Batum ng 14 points, 14 rebounds at 8 assists para sa Trail Blazers at dinepensahan si Spurs guard Tony Parker sa kabuuan ng laro.

Kumolekta naman si Damian Lillard ng 25 points para pangunahan ang Portland, nakamit ang una nilang panalo sa second-round playoffs matapos talunin ang Utah noong 2000 conference semifinals.

Iniupo ni coach Gregg Popovich sina Parker at Tim Duncan nang maglista ang Portland ng isang 20-point lead.

vuukle comment

BROOKLYN NETS

CHRIS BOSH

DAMIAN LILLARD

EASTERN CONFE

EASTERN CONFERENCE

GREGG POPOVICH

JAMES

JOE JOHNSON

KANYANG

TRAIL BLAZERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with