^

PM Sports

Kumamada sina Durant at Westbrook Indiana nalo rin

Pang-masa

OKLAHOMA CITY — Kumolekta si Oklahoma City guard Russell Westbrook ng triple-double para banderahan ang Thunder sa 112-101 tagumpay kontra sa Los Angeles Clippers at itabla sa 1-1 ang kanilang NBA Western Conference semifinal series.

Naglista si Westbrook ng 31 points, 10 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikatlong triple-double sa nakaraan niyang limang playoff games. Kumolekta naman si 2014 Most Valuable Player Kevin Durant ng 32 points, 12 rebounds at 9 assists bago iniupo sa hu-ling 1:21 minuto ng laro.

Kung nakumpleto ni Durant ang 10 assists ay sila sana ni Westbrook ang magiging kauna-unahang magkakampi na nagtala ng triple-doubles sa isang playoff game, ayon sa Elias Sports Bureau.

Nag-ambag naman sina Serge Ibaka at Thabo Sefolosha ng tig-14 points para sa Thunder na dinomina ang Clippers sa rebounding, 52-36.

Umiskor si Durant ng 17 points sa first quarter para sa 37-28 abante ng Thunder bago tinapos ang first half bitbit ang 61-56 bentahe.

Ibinaon ng Oklahoma City ang Los Angeles sa 94-77 papasok ng fourth period at hindi na nilingon pa ang Clippers.

Tumipa si J.J. Redick ng 18 points, habang may 17 si Chris Paul na nagtala din ng 11 assists sa panig ng Los Angeles.

Nagdagdag si Blake Griffin ng 15 points para sa Clippers, tatayong host ng Game 3 sa Biyernes.

Sa Indianapolis, humakot si center Roy Hibbert ng season-best 28 points at 9 rebounds para sa 86-82 pagresbak ng Indiana Pacers sa Washington Wi-zards at itabla sa 1-1 ang kanilang Eastern Confe-rence semifinals series.

Hindi nakaiskor si Hibbert sa kabiguan ng Pa-cers sa Wizards sa Game 1. Naglista si Marcin Gortat ng 21-points kasunod ang 17 ni Bradley Beal.

 

BLAKE GRIFFIN

BRADLEY BEAL

CHRIS PAUL

EASTERN CONFE

ELIAS SPORTS BUREAU

INDIANA PACERS

KUMOLEKTA

LOS ANGELES

OKLAHOMA CITY

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with