^

PM Sports

Davao Lady Agilas tangka ang semis

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Asahan ang mas matikas na paglalaro mula sa Davao Lady Agilas sa pagharap sa Adamson Lady Falcons sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference quarterfinals ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay itinakda dakong alas-4 at hanap ng Lady Agilas ang panalo na magbibigay ng puwesto sa semifinals sa Group 1 sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Unang laro sa ganap na ika-2 ng hapon ay ang knockout game sa hanay ng FEU Lady Tamaraws at Arellano Lady Chiefs sa Group 2.

May magkatulad na 1-1 karta ang dalawang nabanggit na koponan kaya’t ang magwawagi ang siyang makakasama ng nagdedepensang kampeon National University (2-0) sa semifinals sa ligang may ayuda pa ng Accel, Mikasa at Lion Tiger Mosquito Coil.

Papasok ang FEU sa laro mula sa straight sets panalo sa St. Benilde Lady Blazers na kung saan ibinandera nila ang kanilang bagong guest players na sina Rachel Ann Daquis at Jovelyn Gonzaga na naghatid ng tig-10 puntos.

Ang husay ng dala-wang ito ay itatambal muli sa mga datihang kamador na sina Bernadette Pons at Mary Joy Palma upang magpatuloy ang kanilang kampanya kahit nagkaroon muna ng 0-1 karta sa yugtong ito.

Mataas ang morale ng Davao sa pamumuno nina May Agton, Jocemer Tapic at Reynelen Raterta dahil pinataob nila sa limang sets ang UAAP champion Ateneo Lady Eagles sa huling asignatura.

Ito na ang ikalimang panalo sa anim na laro ng Lady Agilas sa torneo at ang UST Tigresses pa lamang ang nakakatalo sa kanila.

Ang UST ay umabante na sa Final Four sa 2-0 karta.

Ang pagiging isang beteranong koponan ang pilit na ilalabas ng Adamson na aasa sa galing nina Shiela Pineda, Pau Soriano at Thai guest player Patcharee Sangmuang.

 

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

ARELLANO LADY CHIEFS

ATENEO LADY EAGLES

BERNADETTE PONS

DAVAO LADY AGILAS

FINAL FOUR

FIRST CONFERENCE

JOCEMER TAPIC

LADY

LADY AGILAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with