^

PM Sports

Casimero aakyat na ng division para hamunin si Estrada

Pang-masa

CEBU CITY , Philippines   â€“ Tuluyan nang aakyat ng weight division si John Riel Casimero at gusto niyang hamunin si Juan Francisco Estrada ng Mexico para sa kanyang unang laban sa flyweight division.

“Gusto ko Estrada na para magkaalaman,” wika ng 24-anyos na Filipino boxer noong Sabado ng gabi.

Ilan sa mga Filipino fighter na tinalo ni Estrada ay sina Richie Mepranum, Milan Melindo at Brian Viloria.

Umiskor si Casimero ng first-round knockout kay Colombian Mauricio Fuentes para mapanatiling bakante ang dating suot niyang International Boxing Federation (IBF) light flyweight belt.

Nauna nang tinanggal kay Casimero ang kanyang IBF crown nang mabigong makapasa sa weight limit sa isinagawang weigh-in noong Biyernes.

Sa kanyang laban kay Fuentes ay tatlong beses pinabagsak ni Casimero ang Colombian visitor patungo sa kanyang KO victory.

Natapos ang laban sa 2:59 minuto sa opening round.

Bunga ng tagumpay ni Casimero ay idineklarang bakante ang IBF title.

Sinabi ni Casimero na pinilit niyang makuha ang weight limit na 108 pounds, ngunit sa weigh-in ay hindi pa rin niya ito naipasa.

“Nagsikap naman ako talaga pero hindi na kaya ng katawan ko ang 108,” sabi ni Casimero.

Tila isang featherweight boxer si Casimero sa ring nang labanan si Fuentes. Agad pinuntirya ni Casimero, nakopo ang IBF title noong 2012 at tatlong beses niya itong naidepensa, ang knockout pagtunog pa lamang ng opening bell. Hinabol ng tubong Cebu si Fuentes sa loob ng ring at nakakita naman siya ng pagkakataon.

“Hindi naman naming in-expect na ganun. Pero nangyari eh,” ani Casimero.

BRIAN VILORIA

CASIMERO

COLOMBIAN MAURICIO FUENTES

FUENTES

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

JOHN RIEL CASIMERO

JUAN FRANCISCO ESTRADA

MILAN MELINDO

RICHIE MEPRANUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with