^

PM Sports

4 baguhang teams magpapainit ng aksiyon sa Superliga Season 2

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang bagong koponan sa men’s at women’s division ang itatampok pagbubukas ng second season ng Philippine Superliga sa Mayo 16 na gaganapin sa Cuneta Astrodome sa Pasay City na siyang dahilan para maging exciting ngayon ang liga.

Ang two-conference champion na Philippine Army ay kikilalanin bilang Generika Drugstore, habang iibabandera naman ng Air Asia ni Mikee Romero ang mga La Salle Lady Spikers sa pamumuno ni Aby Maraño.

“The Philippine Superliga now stands on a more solid ground after two highly successful conferences last year,” wika ni PSL President Ramon ‘Tats’ Suzara.

“We have two new teams in the women’s division and another two new teams in the men’s side, just as we planned the growth of the league. Little but sure steps,” dagdag pa nito.

Papalitan ng Invitational Tournament ang All-Fi-lipino Conference na pinagreynahan ng TMS-Philip-pine Army noong nakaraang taon, ayon kay Suzara.

 Ang invitational event na kinatampukan lamang ng mga women players, ay isang eksperimento ng nag-oorganisang Sportscore para sukatin ang pagtanggap ng mga Filipino fans sa isang club competition.

Ang Generika Drugstore ang magdadala sa kulay ng Lady Troopers na nagreyna sa Invitational at Grand Prix noong nakaraang taon.

Layunin naman ng Air Asia, itatampok ang mga La Salle Lady Spikers na hangad makabawi sa kanilang kabiguan sa nakaraang University Athletic Association of the Philippines Finals na inangkin ng Ateneo Lady Eagles, na makapag-ingay sa torneo.

Ang Cignal ay ikinukunsidera pa ring top contender makaraang sumegunda sa Army sa Invitational at Grand Prix tournaments.

Si Din-Din Santiago ang magiging pangunahing bituin ng Petron katapat ang PLDT MyDSL, RC Cola at Cagayan Province.

Masusukat naman ang talento ng men’s Grand Prix champion na PLDT MyDSL laban sa Cignal at Instituto Estetica Manila.

Ang Systema ang ikaapat na men’s team na sinasabi ring puwede maging title contender.

vuukle comment

ABY MARA

AIR ASIA

ANG CIGNAL

ANG SYSTEMA

ATENEO LADY EAGLES

CAGAYAN PROVINCE

GRAND PRIX

LA SALLE LADY SPIKERS

PHILIPPINE SUPERLIGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with