Bumalik ang lakas ng Lady Bulldogs
MANILA, Philippines - Nanumbalik ang tikas ng laro ng nagdedepensang kampeong National University Lady Bulldogs sa pagbabalik ng dalawang key players upang ang inakalang dikitang labanan kontra sa Arellano Lady Chiefs ay hindi nangyari matapos ang 25-9, 25-14, 25-18, straight sets panalo sa pagsisimula kahapon ng Shakey’s V-League Season 11 First Conference quarterfinals sa The Arena sa San Juan City.
Si Jaja Santiago na nagbalik sa NU matapos maglaro sa Asian Women Club Volleyball Championship sa Thailand ay may 12 kills habang ang mahusay na libero na si Jen Reyes ay nakasama ng koponan sa unang pagkakataon at may pitong digs at anim na excellent receptions.
May 12 puntos pa si Dindin Santiago at katuwang si Jaja ay naghatid ng 18 kills para pangunahan ang 39-19 bentahe sa attack points. May tatlong service aces pa siya upang matapatan ang ganitong marka ni Rubie De Leon tungo sa 12-2 bentahe.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng NU sa Group I upang mamuro na sa puwesto sa semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Nagsilbing dagdag hamon sa bisitang Davao Lady Agilas ang pagharap sa UAAP champion Ateneo Lady Eagles para mailabas pa ang nakatagong determinasyon tungo sa 22-25, 25-18, 25-27, 25-18, 19-17 five sets panalo sa ikalawang laro.
Si Princess Joy Oliveros ang siyang tumayong bida para sa Lady Agilas sa fifth set para makabangon ang koponan sa 8-12 iskor.
Ang atake niya na tumama sa blockers ng Ateneo ang nagbigay ng 18-17 kalamangan bago nasundan ito ng spiking error ni Jhoanna Ma-garinot upang manati-ling matatag ang laban ng Lady Agilas sa semis seat sa Group II sa ligang may ayuda pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.
Tumapos si Oliveros bitbit ang 14 puntos at 11 rito ay sa spike upang mapunuan ang puwestong iniwan ni Venus Flores na hindi naglaro.
“Tibay ng loob at puso dahil iisa lang ang puso namin sa laro,†wika ni Oliveros. (AT)
- Latest