Shell advance asia talent cup
MANILA, Philippines - Hangad ng batang motorbike rider na si Ralph Kenneth Torres na bigyan ng karangalan ang Pinas bilang tanging kinatawan ng bansa sa eight-leg Shell Advance Asia Talent Cup na nagsimula sa Qatar noong nakaraang buwan.
Ang 15-gulang na incoming fourth-year high school sa Angelicum ay pang-12th sa inaugural race.
Pinangunahan ni Torres ang tanging Filipino sa 22 batang motorbikers mula sa China, Indonesia, Japan, Thailand, Malaysia at Singapore sa two-day, ang pre-selection event na ginanap sa Sepang International Circuit ng Malaysia noong October ng nakaraang taon.
Ang second leg ay sa Sentul, Indonesia sa May 9 kung saan hangad ni Torres na makasama sa Top 10.
- Latest