Lady Agilas ginitla ang Lady Bulldogs
MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang paniÂÂniÂlat ng Davao Lady Agilas na sinabayan pa ng maÂtibay na paglalaro ng AteÂneo Lady Eagles sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Hindi pa rin nawawala ang tibay ng dibdib na masisilayan sa guest team na Lady Agilas nang taÂpusin nila ang pagtahol ng nagdedepensang NatioÂnal University, 25-20, 30-28, 14-25, 32-30, paÂnaÂlo sa unang laro.
Ibinagsak ni May Agton ang lahat ng 21 puntos sa atake, habang sina JoÂcemer Tapic, Venus FloÂres at Mae Antipuesto ay naghatid ng 13, 12 at 10 punÂtos upang lumawig sa tatlong sunod ang pagpapanalo ng Lady Agilas sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Ang huling kill mula kay Agton ang nagpatabÂla sa iskor sa huling pagkakataon, 29-29, bago buÂmutata si Antipuesto paÂra maibigay sa Lady Agilas ang match point na hindi nasayang dahil sa error ng Lady Bulldogs sa huling ataÂke.
Tinapos ng NU ang laÂro sa Group B bitbit ang 4-1 karta, habang ang DaÂvao ay nakatiyak na ng puÂwesto sa quarterfinals sa nakuhang malaking paÂnalo.
Sinamantala ni Miren GeÂquillana ang playing time na ibinigay sa kanya nang pangunahan ang 25-16, 25-18, 25-13 panalo sa St. Louis University Lady Navigators sa ikalawang laro.
May 12 puntos si GeÂquillana sa 8 attack points, 2 aces at 1 block, habang ang guest player na si Bea De Leon ay may 8 puntos at naghatid ng 14 puntos sina Michelle Morente at guest player Jhoanna MaÂgarinot para tapusin ng LaÂdy Eagles ang laro sa Group A sa 4-1.
- Latest