^

PM Sports

Indonesian rider nakalusot sa Stage 3

Mae Balbuena - Pang-masa

BAYOMBONG, Nue­­va Vizcaya, Philippines - – Hindi na­­tinag sa puwestuhan ang mga nangungunang ri­­ders  na nagbantayan at nagpakiramdaman lamang kaya nakalusot ang isang Indonesian cyclist na si Patria Astra ng Pegasus Continental team na umangkin ng Stage Three Ca­banatuan City to Ba­yombong, Nueva Viscaya ka­hapon sa pagpapatuloy ng Le Tour de Filipinas.

Tinapos ni Patria ang 146.6 kms  na karera na kinailangang ire-start ma­kalagpas ng Talavera dahil sa masikip na traffic bago umahon sa Dalton Pass sa tiyempong apat na oras at 2.25 minuto.

Hindi nagalaw ang top three sa individual ge­­neral classification sa pa­ngunguna ni Singapo­rean Choon Huat Goh ng OCBC Singapore Continental team na nanatiling may 3:03  minutong dis­tan­siya sa pumapangalawang Stage 1 winner na si Australian Eric Timothy Sheppard na kasama din ni­ya sa team sa kanyang kabuuang oras na walong oras at 21.53 minuto.

Nasa ikatlong puwesto pa rin ang Stage 2 winner na si Mark Galedo ng local team na 7-Eleven na may 3:33 minutong dis­tan­siya lamang sa may su­ot ng yellow jer­sey.

Hindi rin gumalaw ang labanan para sa best young rider kung saan na­ngunguna pa rin si  Austra­lian Brendon Meney ng Sa­talyst Racing team ngu­nit nananatiling may 2:51 minutong distansiya pa rin sa pangalawang si Mark Julius Bordeus ng Team 7-Eleven.

Nanatili ring best Pinoy rider si Galedo na may 3:50 minutong dis­tan­siya sa kanyang ka­kam­ping si Bordeos sa over­all time na 8:25.26.

Nagawa namang kai­nan ng mahigit isang mi­nuto ng Team 7-Eleven ang nangungunang OC­BC Singapore Continental team na may total time na 25:13.13.

“The strategy for today ay ipahinga ang team para sa last stage ngayon,” pahayag ni Team 7-Ele­ven coach Rick Rodriguez sa ginawa nilang game plan.

“Successful naman kami. We sent one rider sa harapan para magtrabaho ang OCBC para hindi namin sila makainan ng oras,” dagdag pa nito.

Ang final stage ng UCI-sanctioned na karerang ito ay ang puro akya­ting 134-km Stage Ba­yom­bong to Burnham Park sa Ba­guio City nga­yong uma­ga.

AUSTRALIAN ERIC TIMOTHY SHEPPARD

BRENDON MENEY

BURNHAM PARK

CHOON HUAT GOH

DALTON PASS

LE TOUR

SHY

SINGAPORE CONTINENTAL

TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with