^

PM Sports

Dixie Gold dinomina ang 3YO Special handicap

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinamalas ng kabayong Dixie Gold ang kakayahan na maging palaban sa 2014 Philracom Triple Crown Championship nang dominahin ang 3YO Special Handicap Race sa pagbabalik ng karera noong Sabado sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Nalagay sa bugaw sa kaagahan ng yugto sa 1,200-meter race, naipalabas ni jockey Pat Dilema ang lakas ng kabayo sa huling kurbada at mula sa labas ay tinuhog ang mga nasa unahan para makuha ang pa­nalo.

Halos isa’t kalahating dipa ang iniagwat ng Dixie Gold, ang second leg champion sa Philracom 3YO Local Colts noong Pebrero, sa rumemate ring River Mist para kunin ang ikatlong sunod na panalo sa tatlong karera na nilahukan sa taong ito.

Outstanding favorite ang Dixie Gold para balik-ta­ya ang dibidendo sa win (P5.00), habang ang 5-9 forecast ay may P17.50.

Diniskaril  ng Romantic Jewel ang hanap na pana­lo ng pinaborang Classy And Swift nang manaig ito sa special handicap race three.

Si Rodeo Fernandez ang sumakay sa nanalong ka­bayo sa pagkakataong ito at napalabas ng hinete ang angking tulin para hindi abutan ng rumemateng Classy And Swift sa pagdadala ni Dilema.

Naorasan ang Romantic Jewel ng 1:16 sa kuwartos na 25, 23’, 27’ sa 1,200-metro karera para makuha ang ikalawang sunod na panalo.

Sa rekta ay kinuha na ng Romantic Jewel ang ka­la­ma­ngan sa karera pero malakas ang pagdating ng Classy And Swift, ang 1st leg ng Philracom Imported/Local Stakes Race champion.

Samantala, magtatapos ang tatlong sunod na ka­rera sa bakuran ng Phi­lip­pine Racing Club Inc. (PRCI) ngayong gabi sa pagtakbo ng walong karera na magsisimula sa ganap na ika-6:20 ng gabi.

Lahat ng mga inilahok na kabayo ay tiyak na mag­pupursigi na makuha ang panalo dahil lahat ng mga races ay sinahugan ng added prizes.

Apat na karera ay may P20,000.00 dagdag prem­yo at ang mananalo ay may P15,000.00 at ang pa­pangalawa ay mayro­ong P5,000.00, habang ang huling apat ay mayro­ong P15,000.00 na dagdag premyo na hinati sa P15,000.00 at P5,000.00 sa mananalo at papanga­lawa sa datingan.

Ang paglalagay ng premyo sa lahat ng karera ay bilang pagsunod sa na­unang alituntunin ng Philracom na papayagan ang Monday races basta mga special races ang mga ito.

 

vuukle comment

CLASSY AND SWIFT

DIXIE GOLD

KARERA

LOCAL COLTS

LOCAL STAKES RACE

PAT DILEMA

PHILRACOM

ROMANTIC JEWEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with