Puwestuhan sa quarterfinal round: It’s complicated
MANILA, Philippines - Apat na koponan ang magpupuwestuhan para sa quarterfinal round ng 2014 PBA CommisÂsioÂÂner’s Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Sasagupain ng nagdeÂdepensang Alaska ang San Mig Coffee sa ganap na alas-3 ng hapon kasuÂnod ang salpukan ng Rain or Shine at Barangay GiÂnebra sa alas-5:15.
Ang Talk ‘N Text, wiÂnalis ang elimination round, at San Miguel Beer ang tanging dalawang koponang nakakuha na ng posisyon bilang No. 1 at No. 2 teams, ayon sa pagÂkaÂkasunod.
Magbibitbit sila ng ‘twice-to-beat’ incentive konÂtra sa No. 8 at No. 7 squads sa quarterfinals.
Sa laro naman ng apat na koponan sa pagtatapos ng eliminasyon, ang kaso ng Gin Kings ang pinakasimple.
Kapag nanalo sila sa Elasto Painters ay maÂkakaÂmit nila ang No. 7 seat at makakasagupa ang BeerÂmen sa quarterfinals, haÂbang ang kabiguan ang magÂhuhulog sa kanila sa No. 8 katapat ang Tropang Texters.
Ipaparada ng Ginebra si two-time Best Import Gabe Freeman, ang kaÂnilang ikatlong import ngaÂyong torneo maÂtapos sina Leon Rodgers at Josh Powell.
Bukod sa San Miguel Beer, si Freeman ay nakaÂpaglaro rin para sa Barako Bull sa PBA at sa Beermen sa Asean Basketball League (ABL).
Hangad naman ng Rain or Shine na makuha ang No. 6 sa quarters.
“We’re trying to get ourselves out of the seÂventh, eighth places. This gives us a good chance to do that,†sabi ni coach Yeng Guiao matapos ang 87-72 panalo ng kanÂyang Elasto Painters kontra sa Air21 ExÂpress noong naÂkaÂraang LuÂnes.
Sa lower bracket ay laÂlabanan ng No. 3 ang No. 6 at haharapin ng No. 4 ang No. 5 sa kani-kaÂniÂlang best-of-three series.
Posible namang maÂlaÂgay ang Aces sa No. 3, 5 o 6 na magiging depende sa reÂÂsulta ng kanilang laro laÂban sa Mixers at sa kaÂhiÂhinatnan ng banggaan naÂman ng Elasto Painters at Gin Kings.
Maaari namang maupo ang San Mig Coffee sa No. 4, 5 o 6 na depende din sa magiging resulta ng kanilang salpukan ng Alaska.
Nasa isang four-game winÂning streak ngayon ang Aces kumpara sa MiÂxers, ang nagkampeon sa nakaraang PBA Philippine Cup, na nahulog sa isang two-game losing slump matapos ang 3-0 paÂnimula sa torneo.
- Latest