Power Pinoys pang-pito sa AMCVC
MANILA, Philippines - Ipinakita ni Jeffrey Malabanan ang kalidad ng paglalaro nang siya ang tumayong bida sa 25-19, 26-24, 13-25, 21-25, 15-13 panalo ng PLDT TVolution Power Pinoys sa Al-Zahra Al-Mina ng Lebanon sa pagÂtatapos ng Asian Men’s Club Volleyball ChamÂpionship na handog ng PLDT Home Fibr kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ibinagsak ni Malabanan ang apat na sunod na puntos sa krusyal na tagpo sa fifth set para ibalik sa Power Pinoys ang momentum sa laro na tila hinawakan na ng Lebanon matapos bumangon mula sa 0-2 iskor.
Ang panalo ay tumapos sa tatlong dikit na kabiguan na nalasap sa Iraq (dalawang beses) at Al-Rayyan ng Qatar, para malagay sa ika-pitong puwesto ang PiÂlipinas sa ligang inorganisa ng Sports Core katuwang ang Philippine Volleyball Federation at may ayuda pa ng Mikasa, Healthway Medical, Maynilad, Gerflor Spurway, Senoh Equipment, STI, PSC, Makati MaÂyor Junjun Binay, Pasay City Mayor Antonino Calixto at MMDA Chairman lawyer Francis Tolentino.
“Nandun talaga ang fighting spirit namin. Pero siÂmula ng third set, kinargahan nila (Lebanon) ang serve nila at na-rattle kami. Kahit ako may mga errors din ako, pero at least sa fifth set, nakabawi ako,†wika ni Malabanan na tumapos na may siyam na puntos.
Ang kanyang kill na nasundan ng natatangi niyang ace sa larong tumagal ng dalawang oras at pitong miÂnuto, ang nagbigay sa Pilipinas ng double-matchpoint, 14-12.
Nabawi ng Lebanon ang isang puntos pero piÂnaÂkawalan ni Alnakran Abdilla ang matinding kill na hinÂdi nakuha ni Adam Khoury upang magdiwang ang 3,500 na manonood.
Si Abdilla ay gumawa ng 25 puntos, mula sa 22 kills at tatlong blocks, habang si Australian spiker Cedric Legrand ay mayroong 12 puntos, tampok ang 10 kills.
Ang Aussie setter na si William Lewis ay may waÂlong puntos at kalahati rito ay nanggaling sa blocks na diÂnoÂmina ng host team, 14-11.
“This finish is beyond expectation. Sinabi ko sa kaÂnila na nandito na tayo kaya gawin na natin ang daÂpat gawin. Gusto namin good finish at the end at kahit paano ay mag-seventh man lang,†pahayag ni Power Pinoys head coach Francis Vicente.
Sina Jhonlenn Barreto at Arthur Al Zayek ay may tig-21 puntos para sa Lebanon na naglaro nang wala si spiker Bruno Furtado dahil nilalagnat.
Naapektuhan sa simula ang laro ng Lebanon, naÂlaÂgay sa pang-walong puwesto, dahil sa pag-upo ni BruÂno pero nakapag-adjust sila sa third at fourth set upang magkaroon din ng pagkakataon na manalo sa laban. (ATan)
- Latest