Grizzlies kinuha ang huling playoff berth sa West
PHOENIX -- Kumayod si Zach Randolph ng 32 points at ibinulsa ng Memphis Grizzlies ang huling playoff berth sa Western Conference mula sa kanilang 97-91 panalo kontra sa Phoenix na nasibak sa kontensiyon.
Ang Grizzlies ang umiskor ng huling anim na puntos sa fourth quarter.
Isinalpak ni Mike Conley ang isang 3-pointer para sa kanilang 93-91 abante sa huling 1:08 minuto ng laro tungo sa tagumpay ng Memphis.
Sinayang ni Goran Dragic ang bola sa huling po-sesyon ng Suns kasunod ang basket ni Randolph para sa 95-91 kalamangan ng Grizzlies sa natitirang 47.1 segundo.
Nagdagdag si Mike Miller ng 21 points, habang may 17 si Marc Gasol kasunod ang 13 ni Conley para sa Grizzlies, nakapasok sa playoffs sa ikaapat na sunod na season.
Tumipa naman si Markieff Morris ng 21 points kasunod ang 14 nina Channing Frye at Dragic sa panig ng Phoenix.
Tinalo naman ng Washington Wizards ang Miami Heat, 114-93 na naglaglag sa Heat sa No. 2.
Dahil sa kabiguan ng Miami ay lalabanan ng No. 1 seed Indiana Pacers sa first-round series ang eighth-seeded na Atlanta Hawks, habang makakatapat ng two-time defending champion Heat ang alinman sa Wizards o Charlotte Bobcats.
Umiskor si Trevor Ariza ng 25 points para pa-ngunahan ang Wizards, nagsalpak ng 14 3-pointers at nasa itaas ng Bobcats sa karera para sa No. 6 seed.
Gusto ng Washington na makuha ang No. 6 spot para makaiwas sa Heat sa first round ng playoffs.
“We played against a totally different Miami Heat today than usual,†sabi ni Wizards center Marcin Gortat. “Nothing to be excited about.... It was more like a scrimmage game than a big battle.â€
Iniwanan ng Wizards ang Heat ng 36 points sa second half.
Tumapos naman si Michael Beasley na may 18 points kasunod ang 14 ni Toney Douglas at 9 ni Wade.
Kumolekta si Gortat ng 10 points at 13 rebounds, samantalang nagtala si John Wall ng 13 assists para sa Wizards.
- Latest