Benefit races itatanghal ng Philracom sa San Lazaro
MANILA, Philippines - Dalawang Philippine Racing Commission (PhilÂracom)-Divine Mercy Program Trophy Races ang magÂpapasigla sa karerang nakahanay ngayon sa San LaÂzaro Leisure Park sa Carmona, Cavite
Sa race two at three gagawin ang mga benefit raÂces na ito at ang makikinabang ng kikitain ng karera ay ang Philippine Foundation for Health and DevelopÂment,. Inc.
Parehong inilagay ang karera sa 1,400-metro disÂtanÂsya, ang mananalo ay mag-uuwi ng P150,000.00 guaÂranteed prize na ibibigay ng Philracom.
Ang mga kasali sa unang benefit race ay ang Smart Code (RM Ubaldo), Calabar Zone (JA Guce), Game Changer (PR Dilema), Husso Porte (EG Reyes), Jade Avenue (JG Guerra), Go Ada Go (CS Pare) at Ambertini (RG Fernandez).
Sariwa sa pangalawang puwestong pagtatapos ang Calabar Zone noong Abril 1 pero inaasahang bibigyan ito ng magandang laban ng Amberdini.
Nagpatala naman ang mga kabayong C Bisquick (CS Penolio), Royal Gee (MA Alvarez), Naugh Naugh (JB Hernandez), SilÂver Star (SG Vacal), King Ramfire (RG FerÂnanÂdez), Power Factor (CS Pare), Royal Jewels (FA Tuazon), Mucho Oro (YL Bautista), Homerun Queen (CJ Reyes) at Yellow Citizen (JL Paano).
Tatlong sunod na seÂgundo puwesto ang tiÂnaÂpos ng Power Factor paÂra ipalagay na may kaÂkayahan na manalo, habang ang Royal Jewels at nagbabalik Naugh Naugh ang posibleng makatunggali nito.
Mainitan din ang laÂbaÂnan sa Race four na isang 3YO Maiden race at ang mananalo ay may P10,000.00 gantimpala.
Ang Wow Pogi, Tobruk at Director’s Diva ang mga hinuhulaan na magbabakbakan sa kaÂrerang inilagay sa 1,400-metro.
- Latest