Perpetual babawi sa kamalasan sa V-League
MANILA, Philippines - Bubuhayin ng PerpeÂtual Help Lady Altas ang maÂlamig na kampanÂya, haÂbang palalakasin ng UST Tigresses ang pagÂÂhahabol ng puwesto sa susunod na round sa ShaÂkey’s V-League Season 11 First Conference sa The Arena sa San Juan CiÂty.
Kalaro ng Lady Altas ang FEU Lady Tamaraws ngayong alas-4 ng hapon at balak nilang wakasan ang dalawang sunod na pagÂkatalo na naglagay sa peligro sa hangarin ng koÂponan na umabante sa quarterfinals sa ligang iÂnorÂganisa ng Sports ViÂsion katuwang ang ShaÂkey’s.
Nasa ikalimang puÂwesÂto sa anim na kopoÂnan sa Group B ang Perpetual Help at isa pang kaÂbiguan ang maglalagay sa kanilang isang paa sa hukay.
Kailangang bumalik ang tikas ng mga kamador ng Lady Altas dahil paÂlaban ang Lady Tamaraws upang maitabla ang baraha sa 2-2.
Galing sa isang linggong pahinga ang UST at umaasa ang mga kapanalig nito na hindi nawala ang porma na naghatid sa koponan sa straight sets win sa FEU noong AbÂril 6.
May 1-1 karta ang TigÂresses at kung manalo pa ay kakapit sa ikalaÂwang puwesto para tumibay ang pag-asang umabante sa susunod na round.
Ang nagdedepensang National University ang siyang unang nakapasok sa quarterfinals sa Group B sa ligang may ayuda ng Accel, Mikasa at Lion Tiger Mosquito Coil bitbit ang 4-0 baraha.
- Latest