^

PM Sports

Cunningham bumalik na sa Timberwolves

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumalik na si Minnesota Timberwolves forward Dante Cunningham nitong Sabado, dalawang araw matapos siyang arestuhin dahil sa kasong domestic assault nang diumano’y sakalin nito ang kanyang girlfriend  nang sila ay nag-aaway.

Pinakawalan si Cunningham mula sa kulungan nitong Biyernes at lumipad patungong Orlando, Flo-rida nitong Sabado ng umaga kung saan nakatakdang harapin ng Timberwolves ang Magic.

Hindi maaaring disiplinahin si Cunningham ng  liga gayundin ng Timberwolves  sa ilalim ng kasunduan sa collective bargaining agreement. Kailangang maghintay ang liga na makumpleto na ang detalye bago magpataw ng karampatang parusa.

Sinabi ng Wolves nitong Huwebes matapos maaresto si Cunningham na nag-iimbestiga pa sila at isa itong seryosong bagay na hindi nila maaaring balewalain.

Hindi puwedeng i-deactivate ng Wolves si Cunningham dahil ito ay lalabas na isang uri ng pagdidisiplina na maaa-ring magbigay ng dahilan sa NBA Players’ Association na magreklamo.

May reklamo nang isinampa sa Hennepin County District Court at nakasaad dito na sinabi ng kanyang girlfriend sa mga pulis na nag-away sila noong Huwebes ng umaga sa kanilang bahay sa Minneapolis.

Ayon pa sa babae na hindi pa ibinubunyag ang pangalan, sinipa ni Cunningham ang naka-lock na pinto at sinakal siya at isinalya sa dingding hanggang sa hindi na siya makahinga.

vuukle comment

AYON

BIYERNES

BUMALIK

CUNNINGHAM

DANTE CUNNINGHAM

HENNEPIN COUNTY DISTRICT COURT

HUWEBES

MINNESOTA TIMBERWOLVES

SABADO

TIMBERWOLVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with