Handang-handa na si Manny--Roach
LOS ANGELES - Idineklara ni trainer Freddie Roach na 100 porsiyento nang handa si Manny Pacquiao para sa kanilang rematch ni Timothy Bradley, Jr. sa Abril 12 sa MGM Grand.
Isang linggo bago ang kanilang laban ay gumaang na ang pag-eensayo ni Pacquiao dito sa Wild Card Gym.
Nagpapawis si Pacquiao sa loob ng anim na rounds ng sparring.
Nagpahinga si Pacquiao sa araw ng Linggo.
Maaaring tumakbo siya sa umaga o hindi ngunit ang buong araw ay kanyang ibubuhos para sa pamilya at mga kaibigan.
Nitong Lunes ay mu-ling sasabak si Pacquiao sa sparring.
Sinabi ni Roach na tatlo hanggang apat na rounds ang kanilang gagawin bago bumiyahe ang Team Pacquiao patungong Las Vegas.
“He’s ready to fight,†wika ni Roach.
Ngunit sinabi ng isang miyembro ng Team Pacquiao, ang tao na su-misiguro sa kondisyon ng Filipino boxer, na ang pagiging 100 percent ay hindi gumagarantiya ng madaling panalo.
“This is not a cakewalk for Manny,†sabi ni Justine Fortune, ang nagbabalik na conditioning coach ni Pacquiao na nahiwalay sa grupo sa loob ng pitong taon.
Si Fortune, isang da-ting heavyweight contender mula sa Australia, ay muling kinuha ni Pacquiao sa kanyang tropa.
Ayon kay Fortune, naibalik na ni Pacquiao ang kanyang dating pamatay na porma at kondisyon.
“Manny has good muscle memory. I am just bringing the old training methods,†ani Fortune, humiwalay sa Team Pacquiao noong 2007 para magtayo ng sarili niyang boxing gym sa Sunset Boulevard.
Si Fortune ang nagpakilala kay Pacquiao sa bantog na Thai sticks, isang masakit na proseso kung saan inihahampas ang isang bamboo stick sa bodega at braso ni Pacquiao.
- Latest