^

PM Sports

Pakistan iniskoran ang Phl team sa Davis Cup tie

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi agad na bibigay ang Pakistan sa Pilipinas kung ang Asia/Oceania Zone Group II Davis Cup tie ang pag-uusapan.

Ginamit nina  Aisam Qu­reshi at Aqeel Khan ang malawak na karanasan sa paglalaro bilang magkapareha nang pata­ubin sina Fil-Ams Treat Huey at Ruben Gonzales, 7-5, 6-3, 6-2, sa doubles kahapon sa PCA Indoor Court sa Paco, Manila.

Hindi na-break ang mga Pakistani sa kabuuan ng labanan at sinabayan pa ito ng pagkakaroon ng diperensya sa tiyan ni Huey para maunsiyami ang hangaring panalo ng bansa sa tie.

Ang panalo ng Pakis­tan ang nagtapyas sa kalamangan ng bansa sa best- of-five series sa 2-1.

Dahil sa nangyari, ang mata ay nakatuon ngayon sa reversed singles na si­si­mulan sa ganap na alas-10 ng umaga. 

Si Gonzales ang naka­toka na makaharap sa Khan bago sundan ng ta­gisan nina Patrick John Tierro at Samir Iftikhar. Sina Tierro at Gonzales ang naghatid ng unang da­lawang panalo sa ope­ning singles noong Biyer­­nes.

Puwede naman mag­pa­lit ng manlalaro ang da­lawang bansa na dapat ipaalam 30 minuto bago ang takdang laro. (ATan)

vuukle comment

AISAM QU

AQEEL KHAN

DAVIS CUP

FIL-AMS TREAT HUEY

INDOOR COURT

OCEANIA ZONE GROUP

PATRICK JOHN TIERRO

RUBEN GONZALES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with