^

PM Sports

Ayaw magsalita ni Manny

Pang-masa

LOS ANGELES - Hindi masyadong nagsalita si Manny Pacquiao tungkol sa kanilang rematch ni Ti-mothy Bradley, Jr.

Siyam na araw bago ang kanilang ikalawang pagtatagpo ni Bradley ay naging matipid sa pagsasalita ang Filipino boxing icon.

Nagdaos si Bradley ng isang media workout sa Fortune Gym at maraming  pumunta at nakinig sa bawat salitang binitawan ni Bradley.

Ayon kay Bradley, pababagsakin niya si Pacquiao mula sa kanyang “left hook” at gagawin niya ang lahat para muling manalo sa kanilang rematch sa April 12 sa Las Vegas.

Sa loob naman ng Nat’s Thai restaurant, ang paboritong hangout ni Pacquiao sa labas ng Wild Card Gym, hindi niya sinagot ang mga tanong tungkol sa rematch.

Napuno ang restaurant ng pamilya at mga kaibigan ni Pacquiao na nilantakan ang bawat pagkaing inihain sa lamesa.

Naroon sina dating PBA stars Marlou Aquino, Kenneth Duremdes at Rodney Santos.

Kasama namang kumain ni Pacquiao sa lamesa si dating sparring partner na si Ray Beltran at dating world champion Gerry Peñalosa.

Nakipagbiruin si Pacquiao sa kanyang mga kaibigan habang pinapanood ang nakaraan niyang laban sa isang giant TV screen.

Hinarap niya ang ilang Pinoy scribes.

“Ten days to go. I’m ready. No problem with the weight. I just keep on eating,” wika niya.

Nang tanungin tungkol sa mga pahayag ni Bradley para sa kanilang laban, ang tanging isinagot lamang ni Pacquiao ay. “Ganun ba?” Sanda-ling tumigil si Pacquiao. “Kawawa,” wika niya.

Ang training assistant ni Pacquiao na si Roger Fernandez ang siyang nagsalita tungkol sa laban.

“Nagtutumbahan na ang sparring partners,” wika ni Fernandez sa isang sparring session na sinaksihan ni Senator Jinggoy Estrada. “Sabi nga ni Senator, ganyan dapat kahit sa sparring,” dagdag pa ni Fernandez.

BRADLEY

FERNANDEZ

FORTUNE GYM

GERRY PE

KENNETH DUREMDES

LAS VEGAS

MARLOU AQUINO

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with