Seryosong laban ito! Gilas vs PBA All-Stars
MANILA, Philippines - Hindi magiging ‘laro’ lamang ang banggaan ng Gilas Pilipinas at ng PBA All Stars sa 25th PBA All-Star Game sa Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ito ang tiniyak kahapon ni PBA Selection head coach Tim Cone sa press conference para sa 2014 PBA All-Star Weekend kahapon sa Coral Ballroom ng Mall of Asia Arena.
Ayon kay Cone, gusto nilang tulungan ang Gilas Pilipinas kaugnay sa gagawin nitong pagha-handa para sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.
“One of the things we want to do is run some offense that will be used against Gilas at the World Cup,†wika ni Cone. “We’ll work on some things that they’ll pro-bably see in Spain, some of the European stuff that’s very popular.â€
Ang Gilas Pilipinas, kasama ang Iran at South Korea, ang kakatawan sa Asya sa 2014 FIBA World Cup na babanderahan ng Team USA, Spain, Argentina at France.
Sina Slaughter at Lassiter ay tumangging mapasama sa national training pool ng Gilas Pilipinas, habang sina Lee at Dillinger ang mga bagong idinagdag ni Reyes.
Samantala, nakatakda namang idepensa nina Chis Ellis, Chris Tiu at Jonas Villanueva ang kani-kanilang mga korona sa Skills Challenge ngayong alas-5:30 ng hapon sa Mall of Asia Arena.
Itataya nina Ellis, Tiu at Villanueva ang kanilang mga titulo sa Slam Dunk, Three-Point Shootout at Obstacle Course, ayon sa pagkakasunod.
Sa alas-8 ng gabi ay maglalaban naman ang PBA Greats at ang PBA Stalwarts.
Sina Atoy Co, Freddie Abuda, Franz Pumaren, Johnedel Cardel at Topex Robinson ang mangu-nguna sa Team Greats, habang sina Bogs Adornado, Dickie Bachmann, Noli Locsin, Jeffrey Cariaso at Richard Del Rosario ang babandera sa Team Stalwarts.
- Latest


















