May suporta na ang PATAFA
MANILA, Philippines - Likas na mahuhusay ang atletang Pilipino pero dahil iba na ang panahon ngayon, hindi lang talento ang mahalaga para manalo kungdi pati ang suporta kaya’t napag-iiwanan na ng bansa sa larangan ng palakasan.
Ito ang tinuran ni James Michael Lafferty na humarap sa mga mamamahayag kahapon para pormal na pagtibayin ang pagtulong na gagawin sa Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA).
Isang CEO ng isang British American Tobacco na nakabase sa bansa, si Lafferty ang siyang tutulong sa pagsasanay na gagawin ng nagbabalik na si lady long jumper Marestella Torres upang maabot ang hina-hangad ng manlalaro at ng PATAFA na ginto sa Asian Games sa Incheon, Korea.
Ang maganda rito ay si Lafferty rin ang siyang sasagot sa lahat ng pangangailangan ni Torres para maibalik ang mabangis na kondisyon matapos isilang noong Enero ang kanilang unang supling ng asawang si Eleazer Sunang.
“Kahit ako ay nagiging kontrobersyal dahil sa ginawa ng PSC sa mga coaches ko, ipinakikita ko rin sa lahat na ako ay nagtatrabaho para sa ikagaganda ng sport ko na athletics,†wika ni PATAFA president Go Teng Kok na nakasama ni chairman Philip Juico na nanguna sa kanilang National Sports Association (NSA).
“We are supporting the call of the government to seek support from the private sector. We are also showing that PATAFA is ready to give chance to other people who want to help us in our quest for excellence in international competition,†banggit pa ni Juico. (AT)
- Latest