Neutral judges sa Pacquiao-Bradley fight
MANILA, Philippines - Ngayon ay maaari nang mapanatag ang kalooban ni Manny Pacquiao sa kanilang rematch ni world welterweight titlist Timothy Bradley, Jr.
Kahapon ay iniluklok ng Nevada State Athletic Commission (NSAC) sina Glenn Trowbridge ng Nevada, Michael Pernick ng Florida at John Keane ng England bilang judges sa Pacquiao-Bradley II na nakatakda sa Abril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Nauna nang hiniling ni Bob Arum ng Top Rank Promotions sa NSAC na magtalaga ng mga neutral judges para maiwasan ang isa na namang kontrobersya sa muling pagtatagpo nina Pacquiao at Bradley.
“We gave both camps a list of the judges, and the fighters knocked off some of the judges. These judges and the referee were among those acceptable to both sides from the approved list,†ani Arum kina Trowbridge, Pernick at Keane.
Sa kanyang split decision loss kay Bradley noong Hunyo 9, 2012 sa MGM Grand ay nakatanggap si Pacquiao ng iskor na 115-113 mula kay judge Jerry Roth.
Binigyan si Bradley nina judges CJ Ross at Duane Ford ng magkatulad na 115-113 iskor patungo sa pag-agaw ng American fighter sa suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown.
Ang referee naman na mamamahala sa ikalawang sunod na bakbakan ng 35-anyos na si Pacquiao at ng 30-anyos na si Bradley ay si Kenny Bayless.
“I’m always thankful that the commission selected me for the fight, and I think that this fight will be more exciting than the first one. (referee) Robert Byrd did their first fight, and he was basically there to administrate,†wika ni Bayless.
Ito ang pang-pitong pagkakataon na tatayong referee si Bayless sa laban ni Pacquiao, ang huli ay noong Dis-yembre 8, 2012 kung saan niya nasaksihan ang pagbagsak ni ‘Pacman’ mula sa isang counter punch ni Juan Manuel Marquez sa huling segundo ng sixth round. (RC)
- Latest