4-sunod sa Aces
MANILA, Philippines - Kasabay ng pagpoposte ng kanilang ikatlong sunod na panalo ay nasolo ng nagtatanggol sa koronang Alaska ang ikaapat na puwesto sa 2014 PBA Commissioner’s Cup.
Kumolekta si 2013 Best Import Rob Dozier ng 18 points, 15 rebounds, 2 assists at 2 steals para pangunahan ang Aces sa 78-71 panalo kontra sa Barako Bull Energy Cola kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Nag-ambag sina forward Gabby Espinas at guard JVee Casio ng 14 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa Alaska.
“We just have to continue winning. That’s how important the games are,†sabi ni head coach Luigi Trillo sa kanyang Aces.
Mula sa 34-40 agwat sa third period ay nagpakawala ng 13-2 atake ang Alaska para ilista ang 47-40 bentahe laban sa Barako Bull sa huling 3:36 minuto nito.
Huling nakalapit ang Energy Cola sa 67-70 kasunod ang basket ni Casio at dalawang free throws ni RJ Jazul para sa 74-67 kalamangan ng Aces sa nalalabing 38 segundo.
Samantala, babanderahan nina PBA all-time greats Bogs Adornado at Atoy Co ang 2014 PBA Legends Game bukas sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Matutunghayan sa Legends Game sa ganap na alas-8 ng gabi sina Freddie Abuda, Franz Pumaren, Johnedel Cardel, Topex Robinson, Dickie Bachmann, Noli Locsin, Jeff Cariaso at Richard del Rosario.
Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyan pang naglalaban ang ang Meralco at Ginebra na parehong nagparating ng mga bagong imports.
ALASKA 78 - Dozier 18, Espinas 14, Casio 10, Abueva 9, Hontiveros 8, Jazul 6, Thoss 6, Manuel 4, Baguio 3.
Barako 71 - Dollard 26, Pennisi 12, Miller 7, Isip 6, Miranda 6, Lastimosa 5, Fortuna 2, Buenafe 2, Pena 2, Wilson 1.
Quarterscores: 13-17, 26-30, 53-50, 78-71.
- Latest