Basketbol sa gitna ng dagat Pasipiko
Isa na namang kapana-panabik na Pacific Xtreme Combat card ang nakatakda bukas sa Ynares Sports Arena tampok ang pagbabalik ni dating PXC flyweight champion Ale Cali kontra kay Ernesto Montilla Jr.
Walong ibang laban pa ang nakalinya sa “PXC 43,†kasama ang ikalawang pagtuntong sa octagon ng Filipina fighter na si Gina Iniong. Haharapin niya ang Hapones na si Mei Yamaguchi.
“PXC 43 showcases the best Filipino fighters in one night. This is the start of another big year for PXC and this will be just a teaser of things to come,†ani PXC CEO EJ Calvo sa kanilang press conference noong Miyerkules.
Matagal ko nang nasusundan sa PXC press launches ang Guam-based na sportsman-businessman na ito. Ngunit ngayon ko lang nalaman na malalim din pala ang involvement niya sa basketball.
Matagal na pala siyang umiikot sa Pilipinas kasama ang Guam national basketball team. Kasama sa kanyang maraming endeavors ang pagiging head coach ng Guam team na lumalaro sa FIBA Oceania zone.
“We’ve played Ateneo, FEU and other top Philippine collegiate teams. Guam is a low-level basketball team. Your college basketball is our level,†mapagkumbabang pahayag ni Calvo.
Aniya, dati siyang point guard ng kanyang college team sa San Francisco, California. Hindi ko lang nasundan ng tanong kung anong eskuwela ito.
Boluntaryo siyang nagkwento tungkol sa basketball matapos malamang marami sa kaharap niya ay miyembro ng PBA Press Corps kasama na ang kasalukuyang presidente na si Barry Pascua at mga dating pangulo kasama na ang sportswriter na ito at si Tito Talao ng Tempo/Bulletin.
Alam niya na strong contender ang Pilipinas sa FIBA Asia. At inaamin niya na laging third place lang sa likod ng Australia at New Zealand ang hinahabol nila sa FIBA Oceania.
“We’re happy to rule the islands and be the best after Australia and New Zealand,†aniya.
Ang ibang koponan na lumalaro sa FIBA zone na ito ay American Samoa, Cook Islands, Micronesia, Fiji, Kiribati, Marshall Islands, Nauru, New Caledonia, Norfolk Island, Northern Maria-na, Palau, Papua New Guinea, Samoa, Solomon Islands, Tahiti, Tonga, Tuvalu at Vanuatu.
Labas sa Australia at New Zealand, wala ni isa sa mga ito ang pasok sa world ranking.
- Latest