Walang pakialam si Pacquiao sino man ang mga judges
MANILA, Philippines - Nanakawan man siya ng desisyon sa una nilang pagkikita kagaya ng sinasabi ng mga boxing observers, ngunit sinabi ni Manny Pacquiao na hindi niya iisipin ang paghatol ng mga judges sa kanilang rematch ni Timothy Bradley sa Abril 12.
Tila dominado ni Pacquiao ang laban nila ni Bradley dalawang taon na ang nakararaan, ngunit sa mga mata ng dalawang judges ay si Bradley ang lumamang sa Filipino.
Nagbigay sina judges Duane Ford at C.J. Ross ng parehong 115-113 iskor para kay Bradley, habang kinatigan naman ni Jerry Roth si Pacquiao, 115-113.
Dahil dito ay naagaw ni Bradley ang WBO welterweight title ni Pacquiao na tinuligsa ng mga ringside observers.
Kasunod nito ay ang pagsasagawa ng WBO ng pagrebisa sa nasabing laban sa pamamagitan ng isang five-man international panel na nagpahayag na si Pacquiao ang dapat nanalo.
Sa isang conference call sa media members, hindi na pinansin ni Pacquiao ang naturang controversial verdict sa paniniwalang siya ang tunay na nanalo sa mata ng mga boxing fans.
“I’m not angry after the decision. I understand that with the officials, nobody’s perfect in this world. I have to understand that it’s part of boxing. I wasn’t bothered after that fight,†sabi ni Pacquiao.
“I went home and the reaction of the people was not negative, it was positive, so, they understood that I won the fight,†dagdag pa nito.
Ngunit mas gusto ni Pacquiao at Freddie Roach na ma-knockout si Bradley sa pagkakataong ito upang maiwasan ang isa na namang kontrobersiyal na resulta.
- Latest