Kailangan ng puwersa ng Miami para umangat sa NBA power rankings
MANILA, Philippines - Bumaba na nang bumaba ang Miami Heat na nasa ikapitong puwesto na lang ngayon. Kailangan nila ng puwersa upang muling makabalik sa itaas ng rankings.
1. San Antonio Spurs (53-16; ranking nila last week: 1): Nang tinanong kung io-honor pa niya ang kanyang kontrata sa susunod na season, sinabi ni Tim Duncan na “game by game†muna ang kanyang iniisip.
2. Los Angeles Clippers (49-21; ranking nila last week: 2): Umaasa ang Clippers na makakabalik na si J.J. Redick, nag-a-average ng 15.7 points, na noon pang Jan. 3 huling naglaro dahil sa back injury.
3. Oklahoma City Thunder (51-18; ranking nila last week: 4): Matapos magkaroon ng panganib sa injury, inaasahang lalaro na si Russell Westbrook kontra sa Denver sa Lunes o laban sa Dallas sa Martes.
4. Houston Rockets (47-22; ranking nila last week: 5): Matapos matalo ng tatlong sunod kasama si All-Star center Dwight Howard, nanalo ang Houston ng tatlong sunod nang magpahinga ito dahil sa namamagang left ankle.
5. Indiana Pacers (51-19; ranking nila last week: 3): Haharap ang East top-seeded team na Pacers sa tatlong malalakas na teams sa kanilang conference nga-yong linggo kontra sa Chicago, Miami at Washington.
6. Golden State Warriors (44-27; ranking nila last week: 6): Ang Warriors ay may five-day break bago kalabanin ang Memphis sa Biyernes. Posibleng hindi pa rin makalaro si Andre Iguodala dahil sa injury sa tuhod.
7. Miami Heat (47-21; ranking nila last week: 7): Ang Heat ay natalo ng anim sa kanilang huling 10 games. Haharapin ng Miami ang Indiana nitong Martes sa huling paghaharap ngayong regular-season ng East powers.
8. Memphis Grizzlies (41-28; ranking nila last week: 10): Nanalo ang Memphis ng 24 sa kanilang 33 games sapul nang magbalik si Marc Gasol mula sa injury noong Jan. 14 at ngayon ay nasa ikapitong puwesto na sa West.
9. Portland Trail Blazers (45-25; ranking nila last week: 8): Hindi makakalaro si All-Star forward LaMarcus Aldridge nitong Lunes kontra sa Miami dahil sa low back contusion. Nagmintis siya ng limang sunod na laro.
10. Dallas Mavericks (42-29; ranking nila last week: 9): Ang Mavs na susunod na haharap sa Thunder at Clippers ay nasa eighth spot na sa West at half-game ang kalamangan sa Phoenix.
- Latest