^

PM Sports

Kuminang ang Silver Sword sa Ruby Anniversary Race

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi naging proble­ma sa Silver Sword ang pagtak­bo sa labas ng Metro Turf nang mada­ling pinagharian ang Philracom Ruby Anniversary Race kahapon sa San La­zaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ito ang ikalimang sunod na panalo ng apat na taong filly sa taon pero ang naunang apat na ta­gumpay ay na­ilista sa ikat­long racing club sa Mal­var, Batangas.

Pero kondisyon ang ka­bayong hinawakan ni Jonathan Hernandez para hi­yain ang dalawang iba pang na­kalaban sa 1,500-metrong distansya.

Ang winning time ng kabayong anak ng Rea­dy’s Image at Skirmish Point ay 1:35.8 sa kuwartos na  19, 25’, 25’, 25’ upang makopo rin ng tambalan ay unang malaking panalo sa taon.

Nagkahalaga ito ng P300,000.00 premyo mu­la sa P500,000.00 na inilaan ng Philippine Racing Commis­sion na nagseleb­ra ng kanilang ika-40 ta­on ng pagka­ka­tatag para pa­ngasiwaan ang horse ra­cing industry.

Tatlong kabayo lamang ang naglaban dahil na-scratch Royal Reign pero hindi nakasabay ang Penrith at Captain Ball sa Silver Sword.

Hindi nagbago ang por­ma ni Hernandez mula sa alisan hanggang sa da­tingan at hindi na nito  ki­naila­ngang gamitan ng latigo ang Silver Sword na kusang tumulin.

Ang Captain Ball at Penrith ay nagbalikatan pa­ra sa ikalawang puwes­to at pinalad ang nasa balyang Pen­rith na pag-aari ni Herminio Esguerra at ginaba­yan ni Fernando Raquel Jr. na nagwagi ng isang ulo sa Penrith na hawak ni Dominador Borbe Jr. para kay dating Philracom commissioner Jun Sevilla.

Nagkamit ang Captain Ball ng P112,500.00, habang P62,500.00 ang napasakamay ng Penrith.

Bumenta ang Silver Sword ng P648,718.00 sa Dai­ly Double na umabot ng P745,834.00, habang ang win ay nagkahalaga ng P7.50 at ang kombi­nasyon ng dalawang pi­naborang kabayo na 1-4 ay may P7.00 di­bidendo.

Bago ito ay may dala­wa pang naunang Ruby Anniversary Stakes ang idi­naos sa Santa Ana Park at sa MetroTurf.

 

vuukle comment

ANG CAPTAIN BALL

CAPTAIN BALL

DOMINADOR BORBE JR.

FERNANDO RAQUEL JR.

HERMINIO ESGUERRA

JONATHAN HERNANDEZ

PENRITH

SHY

SILVER SWORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with