Birrell, Kang pasok sa finals
MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang sorÂpreÂsa sa 25th Mitsubishi InÂternational Junior Tennis Championships nang masibak sina top seeds KaÂtie Boulter ng Great BriÂtain at Harry BourÂchier ng Australia sa seÂmifinal round kahapon sa Rizal Tennis Center.
Pinatalsik ni third seed Kimberly Birrell ng Australia si Boulter, 2-6, 6-2, 7-6(3), para pumasok sa finals ng girls’ division.
Tinalo naman ni fourth pick Kang Ku Keon ng South Korea si BourÂchier, 7-6(5), 6-3, paÂtungo sa finals ng boy’s category.
Ito ang unang finals stint ni Birrell sa isang Grade 1 tournament maÂtapos umabante sa quarterfinals sa Grade 1 events sa Malaysia at Thailand.
Binigo ni Birrell si BoulÂter sa ikalawang pagÂkakataon sa kanilang tatÂlong pagkikita.
Makakatapat ngayon ni Birrell sa finals si No. 14 Gloria Liang ng CaÂnada, nagpayukod kay No. 15 Raveena Kingsley ng United States, 6-3, 6-4, sa semis.
Sasagupain naman ni Kang si unseeded Rhett Purcell ng Great Britain, iginupo si No. 8 Bogdan Bobrov ng Russia, sa finals.
- Latest