Cycling Pilipinas maghahanda
MANILA, Philippines - Lalahok at magsasaÂnay ang LBC-MVP Sports Foundation Cycling Pilipinas, binubuo ng mga batang siklista ng bansa, sa Europe bilang paghahanda sa 17th Asian Games na nakatakda sa Setyembre 19 hanggang OkÂtubre 4 sa Incheon, South Korea.
Babanderahan nina RoÂnald Oranza at Rustom Lim, miyembro ng koÂponang nag-uwi ng bronze medal sa 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar, ang nasabing grupo.
Sasabak ang tropa sa ilang UCI 1.1 races sa Spain at sa Netherlands.
Ang iba pang miyembro ng LBC-MVP Sports Foundation Cycling Pilipinas ay sina Mark Bonzo, Jemico Brioso, Joshua Carino, Ronald Lomotos at Junrey Navarra.
Ang grupo ay sumegunda sa overall team race ng LBC Ronda Pilipinas.
- Latest