Air21 nagpalit ng import
MANILA, Philippines - Sa hangaring mapalakas ang kanilang tsansa sa 2014 PBA Commissioner’s Cup ay kinuha ng Air21 si 6-foot-9 Wesley Witherspoon bilang kapalit ni Herve Lamizana.
Si Lamizana, isang FIBA World Cup veteran na naglaro para sa Ivory Coast, ang ikalawang import na napauwi matapos si Josh Boone na pinalitan ni Kevin Jones para sa San Miguel Beer.
Sa kanyang paglalaro para sa Spurs noong 2012 NBA summer league, nagtala si Witherspoon ng mga averages na 8.3 points at 2.0 rebounds.
Si Witherspoon ay hindi napabilang sa final line up ng San Antonio Spurs noong 2012-2013 NBA season.
Matapos mabigong makasama sa final roster ng Spurs ay naglaro si Witherspoon para sa Austin Toros team sa NBA D-League bago siya dinala sa Rio Grande Valley Vipers.
Nakatakdang dumating si Witherspoon ngayong araw para sa pagsagupa ng Air21 sa Meralco sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.
Samantala, sinasabing kumuha ang Bolts ng back-up import sa katauhan ni Darnell Jackson bilang kapalit ni 6’10 reinforcement Brian Butch.
- Latest