^

PM Sports

Texters asam ang ika-5 win

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itataya ng Tropang Texters ang kanilang liderato kontra sa mainit na Bolts, habang mag-uunahan namang bumangon sa kamalasan ang Gin Kings at ang Batang Pier.

Lalabanan ng nangungunang Talk ‘N Text ang Meralco ngayong alas-5:45 ng hapon kasunod ang banggaan ng Barangay Ginebra at Globalport sa alas-8 ng gabi sa 2014 PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“Against Meralco, the goal is to continue to play solid basketball on both offense and defense,” sabi ni Talk ‘N Text head coach Norman Black. “Concerns would be on how to contain Brian Butch and also defend their three-point shooting.”

Sa pagiging pinakamatangkad na import sa torneo sa taas na 6-foot-10, komportable si Butch sa pagtirada sa three-point range.

Nagtatala si Butch ng average na 32.6 points, 20.6 rebounds, 2.0 assists at 2.0 blocks para sa kampanya ng Meralco ni mentor Ryan Gregorio.

Sa 104-99 panalo ng Bolts laban sa Batang Pier ay humakot si Butch ng 42 points at 24 rebounds.

Si Tropang Texters’ import Richard Howell ang magtatangkang pigilan si Butch.

Sa ikalawang laro, pipilitin ng Gin Kings na wakasan ang kanilang dalawang sunod na kabiguan, habang hangad ng Batang Pier na makamit ang kanilang unang panalo sa limang laro.

 

vuukle comment

AGAINST MERALCO

BARANGAY GINEBRA

BATANG PIER

BRIAN BUTCH

CUNETA ASTRODOME

GIN KINGS

MERALCO

N TEXT

NORMAN BLACK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with