^

PM Sports

LeBron humataw sa panalo ng Heat vs Cavaliers

Pang-masa

CLEVELAND - Kumabig si LeBron James ng 43 points, ang 25 ay kanyang ginawa sa first quarter at nagdagdag si Chris Bosh ng 21 para ihatid ang Miami sa 100-96 panalo laban sa Cleveland, naglaro na wala ang may injury na si  All-Star guard Kyrie Irving.

Nagdagdag din si James ng dalawang krusyal na blocks at nagsalpak ng anim na free throws sa huling dalawang minuto ng fourth period para sa ikatlong panalo ng Heat sa kanilang huling walong laban.

Hindi naglaro si Dwyane Wade para ipahinga ang kanyang mga tuhod.

Umiskor naman si Jarrett Jack ng 22 points kasunod ang 17 ni Dion Waiters na nagtala ng 11 assists para sa Cleveland, naglaro din na wala si forward Luol Deng (sprained ankle).

Inaasahang hindi makikita sa aksyon si Irving sa loob ng dalawang linggo bunga ng kanyang strained biceps tendon.

Sa Portland, tumipa si Wesley Matthews ng 26 points, kasama dito ang mahalagang 3-pointer sa overtime, upang tulungan ang Trail Blazers sa 120-115 panalo laban sa Milwaukee Bucks.

Nag-ambag si Robin Lopez ng 15 points at 14 rebounds para sa Blazers (44-24) na naglaro na wala si forward LaMarcus Aldridge na may injury.

Nagposte si Brandon Knight ng 24 points at may season-high na 23 markers si Ramon Sessions sa panig ng Milwaukee na nakamit ang kanilang pang-limang sunod na kamalasan.

BRANDON KNIGHT

CHRIS BOSH

DION WAITERS

DWYANE WADE

JARRETT JACK

KYRIE IRVING

LUOL DENG

MILWAUKEE BUCKS

RAMON SESSIONS

ROBIN LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with