^

PM Sports

PSC nais magkaroon ng priority coaches

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagbabalak ngayon ang Philippine Sports Commission (PSC) na maglagay ng mga priority coaches upang matiyak na matututukan nila ang mga atletang sinasanay para sa malalaking international tournaments na sasalihan ng bansa.

Itutulad ito sa ipinaiiral na priority athletes na kung saan ang mga isinama sa programa ay pumir-ma ng kontrata para maging full-time athletes  pero kapalit nito ay ang mas malaking allowances na nasa P40,000.00,  P30,000.00 at P25,000.00 sa mga gold, silver at bronze medalists sa South East Asian Games.

“Kailangang itong gawin para matiyak natin na ang mga priority athletes ay may mga coaches na tunay na nakatutok sa kanilang pagsasanay,” pahayag  ni PSC chairman Ricardo Garcia.

Ang aksyon ay bunga na rin ng problemang kinakaharap nina PATAFA National coaches Joseph Sy at Rosalinda Hamero na inaakusahan na hindi nagagampanan ang kanilang mga trabaho dahil may ibang pinagkakaabalahan tulad ng pagko-coach sa mga university teams.

Naiintindihan ni Garcia na hindi sapat ang sahod ng mga national coaches kaya’t dapat itaas ito pero kaila-ngan ding tiyakin na full time sila sa kanilang gawain.

Nasa P20,000.00 ang tinatanggap ng mga coaches na may mataas na level.

Nirerebisa na ng PSC ang 200 coaches na nasa kanilang pangangalaga at ibabase ang pagpili sa mga kukunin sa priority coaches base sa kanilang output.

Samantala, ibibigay ngayon ng 3-man investigating panel na sumuri sa kaso nina Sy at Hamero ang kanilang rekomendasyon na aksyon na dapat gawin sa PSC.

COACHES

GARCIA

HAMERO

ITUTULAD

JOSEPH SY

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RICARDO GARCIA

ROSALINDA HAMERO

SOUTH EAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with