^

PM Sports

UAAP women’s volleyball finals, Gusto nang tapusin ng DLSU

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Makumpleto ang ma­kasaysayang pagtatapos sa UAAP women’s volleyball ang gustong ga­win ngayon ng La Salle sa pagharap muli sa Ateneo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tiyak na ‘full force’ ang suporta sa Green Archers ng mga kapanalig sa larong itinakda sa ganap na alas-4 ng hapon para maibulsa na ang titulo at makumpleto ang ‘four-peat’ sa liga.

“Kailangang magpur­sigi dahil kailangang kapi­tan na namin ito,” wika ni Lady Archers head coach Ra­mil de Jesus na inaa­sinta rin ang kanyang ika-siyam na titulo.

Binawian ng Lady Ar­chers ang Lady Eagles nang kunin ang 25-14, 25-20, 19-25, 26-24 panalo no­ong Sabado.

Kailangan na lamang ng koponan na manaig pa upang maiuwi na ang titulo.

Sa kasaysayan ng UAAP volleyball na nag­si­mula noon pang 1938, ang FEU, may kabuuang 29 titulo, ay nagkampeon ng apat na sunod na taon na nangyari mula 1970 hanggang 1973.

Pero ang kampeonato noong 1972 ay hindi nasolo dahil idineklara silang co-champion kasama ang UE.

Ang mga beteranong sina Ara Galang, Mika Reyes, team captain Abi Maraño at Kim Fajardo ang mangunguna pa­ra big­yan ng malaking se­lebrasyon ang mga taga-hanga.

Ngunit makakatulong sa kampanya ng Lady Archers kung gagana ang ibang manlalaro.

Sa huling tagisan ay na­kitaan muli ng gilas si Cydthealee Demecillo sa ibinigay na anim na puntos, habang si Dawn Ni­cole Ma­candili ay may­ro­ong pitong digs para ma­katulong sa depensa.

Ang MVP ng torneo na si Alyssa Valdez ang mag­dadala para sa Lady Eagles na ‘must-win’ para mapaabot sa deciding game ang tagisan.

Nangako siya na itaas pa ang antas ng paglalaro matapos malimitahan sa 15 hits sa huling tagisan.

Mahalaga rin ang ipa­kikita nina Jorella Marie De Jesus at Amy Ahomiro na gumawa lamang ng tig-9 puntos pero ang susi sa hanap na panalo ay ang kondisyon ng liberong si Dennise Michelle Lazaro na may inindang sprained left ankle.

Mahalaga si Lazaro da­hil siya ang nangunguna sa depensa ng Ateneo at nakita pa rin ito sa huling laro matapos ang 11 digs kahit may iniindang in­jury. (ATan)

ABI MARA

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ARA GALANG

ATENEO

CYDTHEALEE DEMECILLO

LADY ARCHERS

LADY EAGLES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with