^

PM Sports

Philracom 3YO Filly/Colts race: Labanan ng edad 3-gulang na kabayo kinasasabikan

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasasabik na ang ba-yang karerista sa muling pagtutuos ng mga mahuhusay na edad tatlong taong gulang na mga kabayo sa bakuran ng MetroTurf sa Malvar, Batangas.

Sa Sabado at Linggo itatakbo ang dalawang tampok na karera na Philracom 3YO Filly at Colt race at maipapakita ng karerang ito kung sino ang puwedeng maging palaban para sa 2014 Triple Crown Championship na itinataguyod ng Philippine Racing Commission.

Sa isang milya inilagay ang karera at ang mananalo ay puwedeng sabihin na magiging handa sa unang leg ng Triple Crown sa Mayo 18 dahil ito ay gagawin sa 1,600-metro sa ikatlong racing club sa bansa.

Ang mga maglalaban-laban sa hanay ng mga 3YO Filly ay ang Up And Away, Bahay Toro at coupled entry That Is Mine, Roman Charm at Winter’s Tale.

Kasali naman sa 3YO Colt race ang Kanlaon, Diamond’s Gold, Tan Goal, River Mist at Wild Talk.

May P500,000.00 kabuuang premyo ang dalawang karera at ang mananalo ay kakabig ng P300,000.00 gantimpala.

Ito na rin ang kahuli-hulihang Local 3YO Filly at Colt race kaya’t inaasahan na mahusay na ikokondisyon ng mga handlers ang mga panlaban sa karera.

Ang Bahay Toro at Up And Away ang nanalo sa naunang dalawang yugto sa Filly race at inaasahang ang dalawa pa rin ang magtutuos para sa titulo.

Sa kabilang banda, ang Low Profile at Dixie Gold ang mga naunang kuminang sa 1st at 2nd Colt race.

Isinasagawa ng Philracom ang mga pakarerang ito para matiyak na nasa kondisyon ang mga kabayo para sa Triple Crown.

ANG BAHAY TORO

BAHAY TORO

DIXIE GOLD

LOW PROFILE

PHILIPPINE RACING COMMISSION

PHILRACOM

RIVER MIST

TRIPLE CROWN

UP AND AWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with