Nagbago na ang isip ni Juan Ma, Pacquiao-Marquez 5nangangamoy
MANILA, Philippines - Handa si Juan Manuel Marquez na gawin ang lahat para hirangin bilang unang Mexican boxer na nanalo ng limang world titles sa magkakaibang weight classes.
At gusto niyang labanan ang mga dati niyang nakaharap para maisakatuparan ito.
Ilang buwan na ang nakararaan ay nagmatigas si Marquez sa kanyang desisyon na huwag nang laba-nan si Manny Pacquiao, pinabagsak niya noong Dis-yembre ng 2012, para sa pang-limang pagkakataon.
Ngunit ngayon ay bukas na siya para muling harapin ang Filipino superstar.
Ito ay kung malalampasan ni Pacquiao si Timothy Bradley at mabawi ang kanyang WBO welterweight title sa rematch sa Abril 12.
Sa ulat ni Lance Pugmire ng The Los Angeles Times, kinumpirma ni promoter Fernando Beltran ang pagbabago ng isip ni Marquez para labanan si Pacquiao.
“He wants to challenge the Bradley-Pacquiao winner, he wants to make history of a fifth world title in five divisions,†ani Beltran.
Sa kanyang 20-year career, kumuha si Marquez ng kabuuang pitong world titles sa apat na weight classes para maging ikatlong Mexican boxer na naging four-division champion matapos sina Erik Morales at Jorge Arce.
Nalampasan na niya si Mexican great Julio Cesar Chavez, ang unang three-division world champion ng Mexico.
Si Marquez ay naging kampeon na sa featherweight, super featherweight, lightweight at super lightweight champion.
“If Pacquiao wins he’ll have the belt, and Juan wants it,†sabi ni Beltran.
Sinimulan na ni Marquez na isaayos ang pakiki-pagharap kay Mike Alvarado sa May 17.
Nangako naman si Pacquiao na babawi kay Bradley at posibleng isunod niya si Marquez.
- Latest
- Trending